Advertisers

Advertisers

MERALCO BIDA LABAN SA ILLEGAL DRUGS!

0 172

Advertisers

May Ilaw man o wala ay nakapag-papatuloy sa bisyo ang mga drug addict na pangunahin ngayon ng kasalukuyang MARCOS ADMINISTRATION ang masawata ang mga DRUG SYNDICATE na kabahagi rito ang MANILA ELECTRIC COMPANY (MERALCO). sa paglulunsad ng kampanya ni FIRST LADY MARIE LOUISE “LIZA” ARANETA-MARCOS na ” BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN” (BIDA).

Kamakalawa ay isinagawa ang lagdaan sa.MEMOIRANDUM OF UNDERTAKING (MOU) sa pagitan ng iba’t ibang kinatawan ng mga kompanyang sumuporta sa programang BIDA.., na ang MERALCO ay si MERALCO VICE-PRESIDENT at HEAD OF CORPORATE COMMUNICATIONS JOE R. ZALDARIAGA ang kumatawan at sa DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ay si SECRETARY ATTY. BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR na nangunguna sa NATIONWIDE CAMPAIGN AGAINST ILLEGAL DRUGS.

Nilalaman ng MOU ay ang pangako ng MERALCO sa patuloy na pangangampanya at pagsasakatuparan na walang drug addict sa kanilang kompanya, pagsasagawa ng regular na drug testing sa mga empleyado at ang pagsasagawa ng orientation at seminars sa mga empleyado patungkol sa narcotics gayundin ang mga epektong pang-pisikal, sosyedad at pang-sikolohiya.



Sa kampanya ng gobyerno ay katuwang ang MERALCO sa pagbibigay kamulatan sa mamayan hinggil sa masamang epektong naidudulot ng illegal drugs.

“Through our strong partnership with DILG and our participation in the BIDA program, we also reaffirm our commitment to support the government’s push to promote human and social development and to continuously educate Filipinos on the effects of illegal drugs,” pahayag ni ZALDARIAGA..

Ang iba pang mga kompanyang nakiisa sa kampanyang BIDA ay ang mga pinangangasiwaan ni MANUEL V. PANGILINAN na kinabibilangan ng PLDT- SMART, MAYNILAD at METRO PACIFIC TOLLWAYS.

Ang BIDA ay ang 6-year ANTI-ILLEGAL DRUGS ADVOCACY PROGRAM ng DILG na naglalayong maipatupad sa buong bansa ang sinserong paglaban sa DRUG SYNDICATE sa ating bansa

“The participation of private companies in the BIDA program is crucial to ensuring the national success of the holistic campaign against illegal drugs,” pagpupunto naman ni SEC. BENHUR ABALOS JR.

PAGING SEC. ABALOS JR…, dapat, ang lahat ng GOVERNMENT AGENCIES at PRIVATE COMPANIES na magsasagawa ng random drug testing at may mga empleyadong magpopositibo sa illegal drugs ay dapat na ihayag ng mga ito kung sinong pusher ang kanilang binibilhan.., na kung hindi magsasabi ng katotohanan ay tanggal sa trabaho at kulungan ang sasapitin.



Bukod sa ganiyang panuntunan ay dapat na maging pantay ang pagtrato sa lahat na walang kinikilingan o kinikilala na komo anak ng mataas na opisyal ay pinawawalang-sala kahit nahulihan na ng malaking volume.

Ang HAMON ng ARYA sa GOVERNMENT OFFICIALS at LAW ENFORCERS…., ARESTUHIN AT IKULONG ANG LAHAT NG SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS ANAK MAN SILA NG MGA GOVERNMENT OFFICIAL!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa [email protected] o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.