Advertisers

Advertisers

PALPAK NA MUNGKAHI

0 147

Advertisers

HINDI namin alam kung lasing lang si Bong Go nang iminungkahi niya kay BBM nanombrahan bilang drug czar si Rodrigo Duterte ng bansa. Hindi niya alam ang namutawi sa kanyang bibig mula konteksto hanggang sa lalim ng kanyang winika. Paano nonombrahan si Rodrigo kung ang kanyang digmaan kontra droga ay isang malaking kabiguan? Hindi ito nalayo sa pagbibigay ng pabuya sa talunan. Walang matwid ang katwiran, sa ganang amin.

Umabot sa mahigit ang 6,000 ang bilang ng mga napaslang sa ilalim ng madugo ngunit bigong giyera kontra droga ni Rodrigo Duterte. Malaking bilang sa mga napatay ang mga maliliit na user at pusher ng droga. Hindi ganap na nasugpo ang kalakalan sa ilegal na droga. Bagkus, mas lalong umusbong ang bentahan. Palpak ang digmaan kontra droga ni Rodrigo.

Kahangalan at kahibangan kung pipiliin ni BBM na drug czar si Duterte. Hindi ito nalalayo sa pagpapatiwakal. Babalik lang ang paggamit sa PNP bilang kasangkapan ng pang-aapi. Hindi ito nalalayo sa pagdedeklara ng digmaan kontra sa mga mahihirap at walang lakas. Kung pagkakaisa ng lipunan ang sigaw ng administrasyong BBM, maiging huwag pansinin ang mungkahi na magdudulot lang ng ibayong pahirap sa bayan.



Problema ni Bong Go na tingnan ang gobyerno ni BBM bilang pagpapalawig ng palpak na gobyerno ni Rodrigo. Walang maipagmamalaking accomplishment ang gobyerno ng kanyang amo sa buong anim na taon na termino. Laganap ang kahirapan, nakawan sa gobyerno, patayan, at kung ano-ano pa. Walang nangyari sa digmaan kontra droga. Patuloy ang kalakalan.

Pinakamaganda na tanggapin ng maluwag sa kalooban ni Bong Go na pumalpak sila nong sila ang nasa poder. Ngayon, gusto bilang bumalik sa poder? Katarantaduhan, kagaguhan, kalokohan, at kamangmangan sa maraming bagay. Sino ang papaya sa hibang na panukala? Bakit ibabalik si Rodrigo Duterte sa poder?

Pinakamaganda na maghanda sina Bong Go ng kanilang depensa laban sa sakdal na crimes against humanity na iniharap ng mga kanilang kritiko laban kay Duterte at mga kasapakat sa International Criminal Court (ICC). Nasa estado na ito ng “formal investigation” at nahaharap sila sa utos na pagdakip anumang oras. Hindi nila ito dapat ipagwalang bahala sapagkat marami silang dapat panagutan sa kanilang palpak na digmaan kontra droga.

***

ISANG kagaguhan ang pagluhod ni Bato dela Rosa mga pulis na sangkot umano sa pagpupuslit ng P6.7 bilyon halaga ng droga. Wala siyang pinatunayan kundi isa siyang gago sa dilang gago. Ang dapat niyang luhuran ay ang mga naulila at naging biyuda at biyudo nang kanilang inilunsad ang madugo pero bigong digmaan kontra droga sa bansa.



Dapat siyang humingi ng tawad sa mga pamilya ng biktima ng mga extrajudicial killings (EJKs). Hindi dumaan sa proseso ng batas ang kanilang mga pinatay dahil sa hinala na sangkot sila sa illegal na droga. Walang batayan na basta sila paslangin tulad ng mga manok. Ang buong akala ni Bato ay tanga na tulad niya ang mga mamamayan upang madala ng kanyang palabas.

***

“Remember to stay away from people who have a problem for every solution.” Ito ang payo ng nobelistang manunulat na si Paulo Coelho. Lumayo sa mga taong may problema sa bawat solusyon. Hindi sila karapat dapat bigyan ng pansin sa maikli at malaon.

Kasama sa kanila ang mga mambabatas – ang mga senador na walang ginawa kundi magbutas ng bangko sa Senado at magbilang ng butiki sa kisame. Kasama rin ang maraming kongresista sa Kamara de Representante. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan at sisikat lang sila. Maiging huwag n lang pansinin.

***

MGA PILING SALITA: “Wala na ba siyang ibang bukam-bibig kundi NPA, terorista, komunista? Sa laki ng budget at confidential fund, aba eh taas-taasan naman ang level ng serbisyo.” – Leisbeth Recto, netizen,

“Anong klaseng pamamalakad ito? Inuuna pa nilang ilagay ang PhilHealth sa Office of the President kaysa sa magtalaga ng DoH Secretary. Napag-iwanan na tayo ng buong mundo sa COVID-19 response. Kulang pa rin ang mga doktor at pasilidad sa mga probinsya. Pagkatapos, ito ang una nilang pagkakaabalahan? Dapat magpaliwanag sa publiko ang DoH. Pahirapan na ngang makakuha ng tulong ang mga tao sa PhilHealth, dadagdag pa sa pahirap kapag nailipat na ito sa Palasyo. Bago ang anumang malaking hakbang na gaya nito, dapat may alam ang mga mamamayan.” Rafaela David, pangulo ng Akbayan Party

“Hating the truth won’t make it any less true.” – Mila Aguilar, netizen

***

ISINULAT ko ang post na ito noong 2021. Hindi pa senador si Raffy Tulfo, ngunit may higing na ako na tatakbo at mananalo. Pakibasa:

This afternoon, I went to a nearby mall to buy an electric fan for my personal use. I bought a desk fan type, not the stand fan type, which is a little more expensive. My first question to the sales clerk was where were the electric fans which are not from China. I said: “No, I don’t want those fans from China. They easily conk out, I said. I bought a 16” desk electric fan brand KDK. I paid P1,370. But this is not the story.

When I went home, I took a cab, the driver of which was listening to the radio program of Raffy Tulfo. Yes, Raffy Tulfo has specialized on domestic issues, or “away ng mga magjowa.” The driver told me he was listening to the story of a lolo who gave his six-month grandson a bottle of liquor instead of milk. The mother was complaining to Raffy Tulfo of what Lolo did to her son.

At that time, Raffy Tulfo was talking to a case worker of DSWD for some remedial measures to help the mother. But the driver told me that Lolo gave his grandson a bottle of gin because he kept on saying “mamam.” The driver was very mad at Lolo. We both agreed that children are “gifts from heaven.” They deserve love not inhumanity. “Kung kaharap ko ang Lolo, baka sinuntok ko iyon,” the driver said with a deep sense of indignation. I agreed. I would likely do the same.

***

SABI ni Leila de Lima: “I certainly hope and pray that Rep. Boying Remulla would do the right thing. I would be grateful to the incoming DOJ Secretary if he will personally go over my cases, and see for himself the grave injustice done to me—how his predecessors have ignored and manipulated the law by their selective prosecution where the convicted Bilibid inmates are practically granted immunity in exchange for falsely testifying against me and the other accused. A genuine, honest-to-goodness review of my cases will reveal the truth of my innocence.