Advertisers

Advertisers

Anak ng taxi driver top sa CPA exam

0 187

Advertisers

ISANG anak ng taxi driver sa Bagiuo City ang nangunguna sa mga pumasa sa May 23, 2023 Certified Public Accountants Licensure Examination.

Ang 23-anyos na si Alexander Salvador Centino Bandiola, Jr. ay nakakakuha ng 89.50 percent rating sa CPA licensure exam.

Si Bandiola, residente ng City Camp Central Barangay sa Baguio City, ay nagtapos ng accountancy sa University of the Cordillera na dating Baguio Colleges Foundation.



Siya ay nagtapos ng naturang kurso na Summa Cum Laude, ayon sa mga lokal na opisyal at sa kanyang ama na si Alexander, Sr.

Isa ring taga Baguio City, si Neftali Blaze Guevarra Suarez, ang naging pampito sa top 10 na mga pumasa na may 88.17 percent rating.



Si Suarez ay nagtapos ng kolehiyo sa Saint Louis University sa Baguio City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">