Advertisers

Advertisers

Binatilyo tinorture, binigti sa Bulacan

0 150

Advertisers

ISANG binatilyo, nasa edad 17 anyos, ang natagpuang bangkay, nakaposas at may nylon chord na nakapulupot sa leeg, sa isang madamong lugar sa Barangay Telepatio, San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa San Ildefonso Police, posibleng sinakal muna ang biktima hanggang sa mamatay ito bago itinapon ang bangkay sa nasabing lugar para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima dahil sa mga sugat na nakita sa mukha nito at katawan.



Nakasuot ng kulay black t-shirt at short pants ang biktima nang madiskubre ang kanyang katawan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">