Advertisers

Advertisers

Cafgu patay sa kawatan

0 118

Advertisers

PATAY ang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang pagbabarilin ng kawatan at tinangay ang bag nito sa bayan ng Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ariel Tanio Wacan, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Valencia, Cotabato City.

Ayon kay Lt. Colonel Arniel Melocontones, hepe ng Matalam PNP, bago ang krimen nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa residential area sa Matalam nang ng lapitan ng isang lalaki at walang babalang pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan, sanhi ng agaran nitong kamatayan.



Matapos ang pamamaslang, tinangay ng salarin ang bag ng biktima at tumakas.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">