Advertisers

Advertisers

PNP personnel, dapat isailalim sa mandatory Mental Health Training – AnaKalusugan Party-List

0 138

Advertisers

KINALAMPAG ni AnaKalusugan Partylist Rep. Ray T. Reyes ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na unahing isailalim sa mental health training ang kanilang mga personnel upang magkaroon sila ng sapat na kakayahan at kaalaman na kanilang magagamit sa mga pagkakataong mangailangan ng tulong ang isang nagigipit na indibiduwal.

“This will not only improve the safety of our communities but also prevent unnecessary harm to individuals who may be experiencing mental health issues,” and being able to assess the situation effectively can help our uniformed personnel make informed decisions whatever situation they may be in, at any given time,” ani Rep. Reyes.

Sinabi ni Reyes na malaki rin ang maitutulong ng mental health training sa bawat PNP personnel upang makaagapay sila sakaling makaranas ang mga ito ng mental at emosyonal na pakiramdam sa mga hindi inaasahang sitwasyon.



“Alam naman natin ho na hindi biro ang trabaho ng ating mga pulis. Araw-araw, hindi nawawala ang banta sa inyong buhay at panganib. Kailangan rin po ay ingatan natin lagi ang mental well-being ng ating mga tagaligtas,” diin pa ng mambabatas.

“I believe that being in the peak of our health, both physically and mentally, helps us in providing help and care to the citizens more efficiently,” dagdag pa niya.



Sa kanyang panig, sinabi ni Rep. Reyes na patuloy ang ginagawang pagrebisa at pagsasaayos ng AnaKalusugan Partylist para sa kasalukuyang mental health laws upang matiyak na ito ay nakakasabay sa international standards at tamang pagpapatupad.

“We must also ensure that our laws protect the rights of individuals with mental health conditions and promote their inclusion in society,” diin ni Reyes.



Pinunto ni Reyes ang kahalagahan ng pagsasanib puwersa sa pagitan ng mga mambabatas at law enforcement agencies tulad ng PNP para ipektibong masolusyonan ang mga bagay na may kinalaman sa mental health ng isang komunidad.

Ang mental health services tulad ng counseling at therapy na dapat aniya’y maging accessible at abot kaya ng taongbayan.

Isinulong ni Rep. Reyes ang House Bill 929, layunin na palakasin pa ang paghahatid ng mental health services para sa basic education institutions.

“Simulan natin nang maaga ang pangangalaga sa mental health ng ating mga mamamayan. Sa panukalang ito, inaagapan natin ang problema at nilalapatan natin ng pagtugon ang stigma ng mental health,” saad ni Reyes.

“Dito, inilalatag natin ang mga tulong na maaaring pakinabangan ng ating mga anak as they navigate their world in the “new normal” and the ever-changing social landscape,” dagdag pa ng mambabatas.