Advertisers

Advertisers

Nagbebenta sa online ng ninakaw, timbog

0 121

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki sa pagbebenta online ng nakaw na motorsiklo sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) – Novaliches Police Station (PS 4) ang lalaki na si Fahad Macalandap, 25 anyos, ng Bagong Silang, Caloocan City.



Sinabi ng pulisya na nadiskubre ni Jose Mirando na ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa loob ng kanilang garahe sa Barangay Gulod, Novaliches ay nawawala 6:00 ng umaga ng Mayo 28.

Nakita nalang ng biktima ang kanyang motorsiklo na naka-post sa Facebook MarketPlace 4:00 ng hapon, Hunyo 8.




Agad nagsumbong si Mirando sa mga operatiba ng PS 4.

 



Umaktong buyer ang biktima at naging matagumpay ang transaksyon sa suspek. Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa isang gasoline station sa Susano Road, Barangay San Agustine, Novaliches 10:00 ng gabi ng nasabing araw.


Inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos na positibong kinilala ng biktima ang kanyang motorsiklo.


Mahaharap si Macalandap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o ang Anti-Fencing Law.