Advertisers
Ang pinatalsik sa pagiging PHILSAGA MINING CORPORATION (PMC) PRESIDENT na si RAUL VILLANUEVA na dating bumabatikos laban sa FORWIGN INVESTORS ay nakikita ngayong nakikipagsabwatan sa banyaga at dating TEN SIXTY FOUR (X64) EXECUTIVE na si RYAN WELKER.
Itong si WELKER na dating MANAGING DIRECTOR ng X64 ay tinanggal sa posisyon dahil sa mga paglabag sa mga obligasyon at conflict of interest.., na lumilikha umano ito ngayon ng mga pagtatangkang mapalitan sa ikalawang pakakataon ang kasalukuyang X64 BOARD.
Ang kasalukuyang PMC PRESIDENT na si JOSEPH MAHUSAY ay nangangamba sa pinaggagawa ng mga TERMINATED EXECUTIVE dahil sa panliligalig ng mga ito sa kompanya.
Bunsod nito ay binabatikos ni MAHUSAY ang pagkakaibigan ni VILLANUEVA at WELKER.., dahil si VILLANUEVA ay dating nambabatikos sa pakikialam ng mga dayuhan.
Sa ngayon.., itong si VILLANUEVA ay patuloy umano sa ginagawang panlilinlang na nagpapakilala umanong siya ang PMC PRESIDENT na isang black propagandang ipinapaskel sa mining site para masira ang X64.
“It is worth noting that Villanueva is one of the key individuals aligned with Vitrinite,” saad ni MAHUSAY kasunod ang paglilinaw na ang VITRINITE ay isang FOREGIN COMPANY na nakakonekta kay WELKER.
Idinagdag pa ni MAHUSAY na si VILLANUEVA ay nakikipagkutsabahan sa FOREIGN investors upang makontrola nito ang PMC at matulungan si WELKER para mapatalsik ang kasalukuyang X64 BOARD.
Kung mababago ang X64 BOARD ay mahigit sa 5,000 empleyado ang maaapektuhan at madadamay pati na ang mga pamilya at komunidad sa AGUSAN DEL SUR…, na ang napasimulang kabuhayan at pangkabuhayan sa naturang lugar ay magsasadlak sa pagbagsak ng ekonomiya.., at bukod diyan ay maaapektuhan ang pondo para sa mga infrastructure project gaya ng mga paaralan at ospital na mahalagang pangangailangan para sa lipunan.
Ang PMC na kilala sa pagmimina ng ginto ay naging kasangkapan sa pagkakaloob ng ECONOMIC OPPORTUNITIES lalo na sa SOCIAL SERVICES at COMMUNITY DEVELOPMENT.., na ang isa sa mga pangunahing nagbebenipisyo rito ay ang MANOBO TRIBES!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.