Advertisers

Advertisers

Pulis tinorotot ni misis, sumiping sa sabungero

0 134

Advertisers

MISMONG ang mister na pulis, na may ranggong korporal na nakatalaga sa Negros Occidental, ang nagpahuli sa kanyang misis at kalaguyo nito nang matunton sa inuupahang apartment ng magkalaguyo sa Barangay Singcang Airport, Bacolod City.

Sadyang hindi pinangalanan ng pulisya ang magkalaguyo gayundin ang biktima base narin sa pakiusap ng huli.

Inabutan ng mga awtoridad ang misis ng pulis habang kasama sa loob ng kuwarto ng apartment ang karelasyon nitong sabungero sa Brgy. Singcang-Airport.



Pinasok ng mga awtoridad ang naturang apartment nang makumpirma ng nagrereklamong pulis na nasa loob ang kaniyang malanding misis.

Sa loob, inabutan ang misis na nakasuot ng damit pantulog, habang nakahubad naman ang lalaki sa kama.



Ayon sa report, ilang araw lang inupahan ng magkabit ang naturang apartment.

Ang kalaguyong sabungero ay handler ng mga panabong na manok sa Maynila.



Nagtungo sa Bacolod ang lalaki para kumuha ng mga manok.

Ayon sa misis, komplikado na ang relasyon nila ng kaniyang mister, na inakusahan niya na mayroon din umanong ibang karelasyon.

Bagaman hindi nahuli sa akto na nagtatalik, ayon sa pulisya, kakasuhan ng ‘adultery’ ang dalawa.

Tumanggi magbigay ng pahayag ang misis at ang kalaguyong sabungero.