Advertisers

Advertisers

80 ‘badjaos’ na ipinadala sa Iloilo, ibabalik sa Bacolod

0 143

Advertisers

PATULOY na sinusuyod ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang tatlo pang natitirang Badjao na kabilang sa 80 grupo ng Indigenous Peoples na dumating sa Dumangas Port noong nakaraan linggo.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas, ibabalik nila sa Bacolod City ang mga Badjao at kalaunan ay idiretso pauwi sa kanilang lugar sa Zamboanga.

“Hindi namin sila pinapayagan pumunta dito dahil wala naman silang trabaho”, diin ng alkalde.



Sinabi ni Treñas na nagpapalimos sa kalye ang mga Badjao sa Iloilo City, at kilala sila na minsan na nanghaharas kapag walang nagbibigay sa kanila ng limos.

Aniya, noong Hunyo 24, ay nakipag-ugnayan sa munisipalidad ng Dumangas para ihatid ang 77 Badjao pabalik sa Bacolod sa pamamagitan ng roll-on, roll-off (RoRo) vessel patungong Dumaguete at diretso ng Zamboanga na kungsaan 49 sa mga ito ang nakuha sa Iloilo City, habang 28 ay mula sa Dumangas na sinamahan ng dalawang tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at 5 mula sa municipal SWDO ng Dumangas kasama ang Philippine Coast Guard na nagsisilbing marshall.



Ganun din ang pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matiyak ang biyahe ng mga Badjao sa Dumaguete hanggang sa makasakay sila ng RoRo patungong Zamboanga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">