Advertisers
NAGKAROON ng pag-asa na makapagsimula sa panibagong buhay ang higit sa 400 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na kabilang sa sabay-sabay na pinalaya sa ibat-ibang Prison and Penal Farm ng Bureau of Corrections (BuCor) habang inilipat naman ang 500 iba pa mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Iwahig, Puerto Princesa City, Palawan.
Inilabas ngayong araw ( Hunyo 27 ) ng BuCor ang 423 PDLs sa sabay-sabay na culminating activity na may temang “ Paglaya sa Malungkot na Nakaraan, Pagsuong Sa Hamon ng Panibagong Bukas”.
Kasabay nito, 500 PDL mula sa NBP sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang ililipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princess, Palawan sakay ng Saint Francis Xavier Voyage No. 52 sa Pier 4 North Harbor sa Maynila.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang paglilipat ng nasabing mga PDL sa IPPF ay ang paunang hakbang na ginagawa ng bureau para ma-decongest ang NBP bilang paghahanda sa pagsasara nito bago ang 2028.
Ngayong taon, may kabuuang 7,500 PDL mula sa minimum at medium na seguridad ang ililipat sa IPPF (2,500), Leyte Prison Penal Farm (2,500) at Davao Prison and Penal Farm (2,500) habang ang mga natitirang PDL ay ililipat sa batch sa regional prison at mga penal farm sa buong bansa mula 2024 hanggang 2027.
Ibinunyag ni J/SINSP Angelina L. Bautista (Ret.), OIC- Deputy Director for Operations at Head Executive Assistant na nag-ayos para sa paglipat ng mga PDL na ang 500 PDL mula sa minimum at medium security compound ng NBP ay sasamahan ng higit sa 100 Mga tauhan ng BuCor na nauna nang na-relieve sa kanilang mga puwesto sa NBP maximum security compound ngunit itatalaga na ngayon sa IPPF.
Samantala, sinabi ni Catapang, masayang-masaya siya ngayon dahil may 423 pang PDL na nakatapos na ng sentensiya at handang-handa na silang mabigyan ng panibagong buhay.
“Masaya tayo pag may ganitong okasyon kasi alam natin kaya sila nakalaya ay dahil nareporma na natin sila at handa na silang sumali sa society,” Catapang added.
Sa 423 na inilabas na PDL, 121 ang nakalabas sa parol, tatlo ang naabsuwelto sa mga kaso laban sa kanila, isang nabigyan ng probasyon, isang release sa ilalim ng recognuzancr at ang iba ay nakapagsilbi na sa kanilang mga sentensiya.
Kabilang sa mga inilabas ay mula sa:
• 188 mula sa NBP
• 77 Davao Prison at Penal Farm sa Davao del Norte
• 55 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte
• 29 mula sa San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga City
• 11 mula sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro
• 33 mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City
• 23 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at
• 7 mula sa pasilidad ng bilangguan ng Philippine Military Academy
Ang mga pinalaya na PDL ay binigyan ng certificate of discharge from prison, grooming kit, gratuity at transportation allowance.
Kasama rin sa aktibidad sina Undersecretary Sergio Calizo Jr., chairman, Board of Pardons and Parole at Atty. Persida Rueda-Acosta, Hepe, Public Attorney’s Office. (JOJO SADIWA with photos by: CESAR MORALES)







