Advertisers

Advertisers

PATAS NA LABAN

0 581

Advertisers

NAPALITAN sa wakas si Romeo Buenaventura bilang hukom sa pangatlo at huling sakdal laban kay Leila de Lima. Umurong si Buenaventura o nag-inhibit bilang hukom na patunay na didinig sa sakdal. Nabuking na kapatid ni Romeo si Emmanuel Buenaventura, ang abogado na gumawa umano ng affidavit ni Ronnie Dayan na nagdiin kay Leila. Itinatwa ni Dayan ang affidavit na ginawa ni Emmanuel Buenaventura at sinabing pinilit siya umano ng mga utusan ni Gongdi na naglubid ng kasinungalingan laban kay Leila.

Ito ang daan upang hingin ng mga abogado na tatlong akusado na kasama ni Leila sa sakdal na umurong ang huwes. Walang nagawa si Romeo Buenaventura kundi pagbigyan ang petition to inhibit ng tatlong akusado sa asunto. Nasukol si Judge.

Nagkaroon ng reraffle sa sakdal noong nakaraang linggo. Bumagsak ang sakdal sa Muntinlupa City RTC Branch 204 na ang punong hukom ay si Abraham Joseph Alcantara, ang huwes na umabswelto kay Leila sa pangalawang sakdal noong Hunyo. Nakatakdang umpisahan ang pagdinig sa Biyernes.



Marami ang umaasa magiging patas si Alcantara sapagkat hindi siya itinuturing ng kilusang demokratiko na bata ni Gongdi. Walang bahid ang reputasyon ni Alcantara sa Hudikatura. Malayong-malayo siya kay Buenaventura na mas kilala sa pagiging makiling.

Hindi diyan natatapos ang isyu sa huling sakdal laban kay Leila. Makapal ang mukha ni Judge. Nang nabuko ang kaugnayan ng kapatid ni Judge sa kampo ni Gongdi, pilit na nagmalinis sa pag-urong sa sakdal. Ipinalalabas na ginawa aniya ng pag-urong ay upang pangalagaan ang sistema ng katarungan na bansa. Sino ang niloloko niya sa harap ng publiko?



Nagmalinis si Buenaventura at pilit niyang ipinalalabas na hindi niya alam na ang kapatid ang may-akda ng affidavit ni Dayan. Ipinapalabas niya na may utang na loob ang sambayanan sa pag-inhibit niya sa kaso. Baluktot ang katwiran ni Judge at mabuti na lang at pinalitan ang makiling na huwes.

“Hindi ako madudurog. Dahil alam ko at tiyak akong malinis at inosente ako. Lalaya ako dahil walang dahilan na manatili akong nakakulong.” Ito ang tugon ni Leila de Lima sa gitna ng mga pangamba na mabubulok siya sa bilibid.



Alam ni Leila at kilusang demokratiko na hindi mabibili si Alcantara. Didinggin ng maayos ang sakdal na pilit na idinidribol noong si Buenaventura pa ang huwes at magbibigay si Alcantara ng desisyon sa pinakamadaling panahon.

Walang pangarap ang mga tagasuporta at kahit ang demokratikong kilusan kundi ang patas na pagdinig at desisyon ng husgado ng batay sa dikta ng konsensiya ng huwes. Hindi nagawa iyan ni Buenaventura dahil mukhang hawak niya ng pwersa ni Gongdi.

Pinatagal pilit ang asunto upang tumagal si Leila sa piitan. Hindi namin sinabi na nabili si Buenaventura dahil mahirap patunayan iyon. Hindi namin nakita ang aktwal na bayaran. Wala kaming alam sa suhulan. Ngunit batay sa mga pangyayari, kaduda-duda si Judge. Hanggang diyan na lamang po at maraming salamat.

***

ITO ang malaking problema ni Sara Duterte. Mukhang hindi niya alam na hindi na siya mayora na nagpapatakbo ng munisipyo. Mukhang hindi niya alam na siya ang pangalawang pangulo, o ang ikalawang pinamataaas na pinunong pulitikal ng bansa. Mukhang hindi niya alam ang batas sa mga pambansang ahensya tulad ng Office of the Vice President (OVP).

Nagtayo siya ng sangay ng OVP sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maganda ang hangarin dahil gusto niyang tapatan ang Malasakit Center ni Bong Go. Wala naman sanang problema dahil sino ang aayaw na dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao? Ngunit hindi alam ni Sara na hindi ganyan kadali ang gusto niya. Problema ni Sara na isang abogada ang kasalatan ng kaalaman sa probisyon ng Government Procurement Reform Act.

Kailangan alamin ni Sara ang probisyon ng batas bago siya magtayo ng Satellite Offices (SOs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa Commission on Audit (CoA) sa annual audit report of OVP for 2022. Hindi malaking halaga ang sangkot sa isyung ito. Ang isyu ay kasalatan ng kaalaman ni Sara sa procurement process. Ito ang dahilan upang itaas ng CoA ang red flag kay Sara at OVP. At ito ang mensahe sa kanya: Hindi ganyan kadali, ‘Day. Huwag bara-bara, ‘Day,

Ipinakita ng ulat ng bumili ang OVP sa ulat tungkol sa Plant, Property, and Equipment (PPE) and semi-expandable equipment in their SOs sa halagang P668,197. Nanggaling ang pondo sa mga opisyales ng OVP at ibinalik naman ang gobyerno ang kanilang na-advance.

Sinabi ng CoA na kahit ang presyo ng ipinamili ang pinakamababang halaga sa bidding, sinabi ng CoA sana hindi ito batay sa RA 9184 dahil sa kakulangan ng transparency sa proseso. “Our audit disclosed that OVP failed to fully observe the processes and procedures required under RA no. 9184 and its IRR in the purchase of its PPE and Semi-Expendable Equipment in SOs totaling P668,197.20,” ayon sa ulat.

***

Email:bootsfra@yahoo.com