Advertisers

Advertisers

2 kostumer niratrat ng medic sa resto bar

0 135

Advertisers

KULONG ang lalaking nagpakilalang volunteer medic ng Quezon City government nang mamaril sa isang resto bar sa Quezon City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District Fairview Police Station (PS 5) chief, Lt. Colonel Elizabeth Jasmin, ang salarin na si Jerome Gara, 31 anyos, taga-East Fairview, Park Subdivision, Brgy. Ang Greater Fairview.

Sa report, 3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Grill Master Restobar sa Pearl St., Brgy. Greater Fairview.



Umiinom mag-isa si Gara sa resto bar at nagpakilalang volunteer medic. Nang malasing sinita nito ang grupo nina Ariel Rullan, Dominic John Jugo, at John Nicole Rosales na nag-iinuman din sa lugar.

At bumunot ng baril si Gara at pinaputukan sina Rullan at Hugo na tinamaan sa tiyan, puwetan at paa saka mabilis na tumakas sakay ng Mitsubishi L300 habang nagpapaputok parin ng baril.



Sa follow-up operation, nasakote ang salarin sa kanyang tahanan at nakumpiska rito ang isang Glock 45 pati ang magazine at bala nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">