Advertisers

Advertisers

Pagpasok sa bansa ng mga puganteng banyaga na nahuli sa raid sa Las Piñas, iniimbestigahan ng PNP

0 130

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) kung paano nakapasok sa Pilipinas ang mga puganteng banyaga na nahuli sa raid sa Las Piñas City noong nakaraang Linggo.

Ayon kay PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, maging sa kanila ay palaisipan kung paano nakapuslit papasok ng bansa ang mga banyagang mayroong warrant of arrest.

Sa ngayon, tinitingnan ng PNP ang owner at maintainer ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company kung saan nahuli ang mga pugante.



Posibleng kasuhan din, aniya, ang may-ari ng gusali na lokasyon ng POGO company.

Sa ngayon, anim na pugante ang naitala ng PNP na banyagang pugante kung saan apat dito ay Chinese at dalawa ay Taiwanese.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">