Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa huli sa pagbebenta ng ismagel yosi

0 134

Advertisers

TIMBOG ang isang pulis at kasama na nagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo sa buy bust operation sa Zamboanga City nitong Martes

Kinilala ang mga inaresto na sina Corporal Abdul Michael Taulani Ladja, 36 anyos, nakatalaga sa Zamboanga City Police Station 1 ng San Roque, Zamboanga City; at Edward Charles Aquino Brown, 28, self-employed ng Baliwasan Grande, Zamboanga City.

Ayon kay Brigadier General Neil B. Alindsangan, Regional Director PRO9, ang operation ay isinagawa ng Zamboanga Del Sur Criminal Investigation and Detection Unit, Molave Municipal Police Station at Zamboanga Police Station sa Purok New Society, Brgy. Culo, Molave, Zamboanga del Sur.



Nasamsam kina Ladja at Brown ang 16 kahon ng Astro red smuggled cigarette products; isang caliber .9mm Glock 17 gen4, (mga magazine at bala ng caliber 9mm, isang Toyota Vios, isang Ford Everest at buy bust money

Nagkakahalaga ang narekober na mga smuggled na sigarilyo ng P560,000.00. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">