Advertisers
NAGPALABAS na ng warrant of arrest ang Palawan Regional Trial Court laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes, ang itinuturing na mastermind sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerardo Ortega noong 2011.
Pirmado ang arrest order ni Palawan RTC Branch 52 Presiding Judge Angelo Arizala.
Umaksyon agad ang mababang korte nang ipag-utos ng Supreme Court First Division ang muling pag-aresto kay Reyes at pagpapatuloy sa murder trial.
Nabatid na ang nakalagay na address ni Reyes sa warrant of arrest ay 1363 Caballero Street, Dasmariñas, Makati City “or elsewhere.”
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ng dating gobernador.
Magugunita na binaril si Dr. Ortega noong Enero 24, 2011 sa isang tindahan ng ukay-ukay sa Barangay San Pedro matapos ang kanyang radio program.