Advertisers
NANAWAGAN si 1-Rider Partylist First Representative Rodge Gutierrez na habang hindi pa nakahanda ang mga alternatibong solusyon ay ipagpaliban muna ang pagpapataw ng multa sa mga sumisilong sa ilalim ng footbridge at flyover habang nakaamba pa ang tag-ulan.
Ito ay matapos maglabas ng anunsiyo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na sisimulan na ang pag-iisyu ng violation ticket sa mga rider na sisilong sa ilalim ng footbridge at flyover sa darating na Agosto 1.
Kinuwestiyon ni Gutierrez kung bakit nagmamadali at dapat na pagmultahin agad samantalang hindi pa naman naihahanda at naiaanunsiyo ng tama kung saan-saan ba ang wastong sisilungan at kung paano ang sistema.
Binigyang-diin pa ni Gutierrez na makukuha sa paliwanag ang mga riders ngunit dapat malinaw ang panuntunan at maglaan ng tamang panahon para ipaalam sa mga rider upang matantiya nila ang pagsilong sa oras na bumuhos ang ulan kung saan-saan dapat sumilong.
“1-Rider Party-list supports the MMDA’s initiative to provide lay-bys and tents at gas stations, pero hindi dapat parusa agad ang unang nasa isip gayung hindi pa naisasaayos ang lahat,” diin ni Gutierrez. (Henry Padilla)