Advertisers
ARESTADO ang isang lalaking nagpapanggap na police officer sa Mandaue City, Cebu nitong Huwebes.
Ang naaresto ay kinilalang si Gabriel Santino Tac-an, 33.
Inaresto si Tac-an na nakasuot ng uniporme ng pulis, na may ranggong Tinyente, sa J.P. Rizal St., Barangay Basak, Mandaue City.
Nakumpiska sa kanyang posisyon ang isang kalibre .38 na baril na kargado ng walong bala, 2 hand held radio, piercing cap, bullet vest, sling bag, cellular phone, LTO ID, pellet gun, baseball bat at 2 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020.