Advertisers
Matinding pahirap pala sa mamamayan o sa consumers kapag hindi maipatigil ang PhHILIPPINE PORTS AUTHORITY ADMINISTRATIVE ORDER 04-2021 (PPA AO 04-2021) at ang TRUSTED OPERATOR PROGRAM-CONTANER REGISTRY AND MONITORING SYSTEM (TOP-CRMS) dahil ang presyo ng bilihin partikular na ang IMPORTED GOODS ay magtataasan.
Kaya naman, nananawagan ngayon ang mga BUSINESS GROUP kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG”MARCOS JR upang ipatigil ang ipinaiiral na PPA AO 04-2021 at ang TOP-CRMS.., na ang apela ay pinangunahan ng mga local at foreign business groups tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Inc na pinamumunuan ni George Barcelon; Philippine Exporters Confederation, Inc na pinamumunuan ni Sergio Ortiz-Luis Jr; Supply Chain Management Association of the Philippines sa liderato ni Dennis Llovido;American Chamber of Commerce of the Philippines Inc President Frank Thiel; European Chamber of Commerce of the Philippines President Paulo Duartel at maraming iba pang organisasyon ng mga negosyante.
Ang naturang panuntunan ng PPA ay nagkaroon pa ng pagdinig ang SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES noong April 12, 2024 na pinamunuan ni SENATOR GRACE POE at nagsaad na ang TOP-CRMS ay hindi marapat na isulong dahil sa mga komentaryo at testimonials ng mga private stakeholders at government officials na nagsidalo sa pagdinig.
Ang PPA ay wala umanong jurisdiction sa isyu ng container deposits at hindi marapat na saklawan ang legislative branch ng gobyerno sa pamamagitan ng House Bill No. 04933 o ang INTERNATIONAL MARITIME TRADE COMPETITIVENESS ACT.
Gayunman, ang ADNINISTRATIVE ORDER at ang TOP-CRMS ay ipinairal pa rin ng PPA na ayon sa BUSINESS GROUPS ay duplikasyon lang umano ito ng kasalukuyang isinasagawang “DIGITAL CONTAINER TRACKING AND BOOKING APPLICATIONS” ng international shipping lines, terminal/off-dock CY operators.., na anila ay karagdagang pampabigat sa negosyo at walang malinaw na benipisyong makukuha rito ang publiko. Bukod diyan ay magiging dahilan daw ito sa mga karagdagang gastos tulad ng insurance fees, transaction fees at trucking fees, na magpapataas lalo sa presyo ng mga imported goods. Sa ngayon ay lumobo na ang gastos sa pag-aangkat ng produkto sa halos 50% o tinatayang P35 bilyon kada-taon.
Masaklap pa raw niyan mga ka-ARYA.., ang pagpapairal sa PPA AO 04-2021 ay magiging daan umano ito para malustay ang mahahalagang pondo ng publiko sa ilalim ng pagpapanggap na “DIGITALIZATION” gayong ang BUREAU OF CUSTOMS (BoC) ay mayroon nang ginagamit na “WORLD BANK SUPPORTED DIGITALIZATION AND MODERNIZATION STRATEGY” para masupil ang smuggling.
Halos 2-taon mula nang ipatupad ang AO 04-2021 noong September 22, 2021 ay hinde pa rin maipaliwanag ng PPA MANAGEMENT ang lahat ng isyu patungkol sa TOP-CRMS OBJECTIVES at IMPLEMENTING OPERATIONAL GUIDELINES dahil sa mga pabago-bagong panuntunan.
Kung ganito ang sistema na ang PPA AO at ang TOP-CRMS ay silbing pahirap sa sektor ng IMPORTATION INDUSTRY at ang mamamayan o mga consumer ang papasan sa taas-presyo ng imported goods ay dapat ngang maaksiyunan ng PBBM ADMINISTRATION ang isyu upang maisalba ang kalakalan sa IMPORTATION INDUSTRY
Tinututulan man ng BUSINESS GROUPS ang AO 04-2021 at ang TOP-CRMS ay saludo at suportado naman umano nila si PRES. BONGBONG MARCOS JR., dahil sa ilalim ng liderato nito ay napababa ang inflation mula sa 8.7% noong January 2023 sa 5.4% nitong June 2023 at ang dahilan sa pagbaba ng inflation ay ang pagbawas sa transportation costs!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.