Advertisers
ANG Cavite ay isa sa iilang lalawigan, hindi lang sa CALABARZON, kundi sa buong bansa na masulong ang negosyo, kaya naman naging progresibo ito, pero dahil sa pagsusulputan din ng ibat ibang kailegalan gaya ng illegal gambling ay unti-unting gumuguho ang maganda nitong imahe.
Hindi kaila na ang naturang probinsya ay umunlad dahil sa magaling at maayos na panunungkulan at pamamahala ng mga Remulla na ang yumaong padre de familia – Crispin Remulla ang kauna-unahang gobernador na sinundan ang yapak ng kanyang mga anak.
Ngayong si Gov. Junvic Remulla ang AMA ng Cavite na ilang taon at termino na rin sa panunungkulan ay pinupuna sa kawalan nito ng aksyon at ng kanyang liderato laban sa pamamayagpag ng ibat ibang uri ng iligal na sugal partikular na ang card game na sakla na pinaghaharian pa ng lumalalang operasyon ng illegal drug tulad ng talamak na bentahan nito sa mga karatig na lalawigan.
Bukod sa sakla, laganap din ang operasyon ng EZ2 at Pick 3, STL-con jueteng at higit sa lahat ay online gambling sa lahat na mga siyudad at bayan ng naturang probinsya pati na ang petroleum pilferage operation na kung tawagin ay paihi, paawas o buriki.
Garapalan din ang pagpapatakbo ng illegal van terminal at ang pagbibiyahe ng walang prankisang passenger van mula Cavite, Metro Manila, mga kanugnog na lalawigan at sa ibat ibang bahagi ng Luzon at vise versa.
Ayon sa mga ulat na natatanggap ng SIKRETA, isang grupong kilala sa taguring “Governor’s Squad na kinabibilangan ng isang alyas Sgt. Sevilla alyas Tagoy, Hero, Eric, Alwin, Minong at Totoy na nagpapakilala pang security escort ng gobernador ang naghahari-harian sa pagpapasugal sa Cavite dahil sila ang nasusunod kung sino ang dapat mabigyan ng blessing para mag-operate ng iligal na pasugal na hinahaluan pa ng pagbebenta ng shabu sa lalawigan.
Bukod sa sila (Governor’s Squad) ang nagmamando sa vice operation at iba pang kailigalan gamit at kaladkad ang pangalan ni Gov. Remulla ay sila pa rin ang operator ng mga sakla na ang mga vice den ay ginagamit sa drug session at shabu dealing kaya marahil lalong dumadami ang mga adik dahil sa lantaran na din ang bentahan ng droga sa nasabing lalawigan.
Mismong si Cavite Provincial Director Christopher Olazo ay pinupuna ng kanyang mga kababayan pagkat hindi din ito kumikilos laban sa sangkaterbang sakla den sa siyudad ng Bacoor at bayan ng Naic gayon din ang online gambling operation ng magkasosyong Don, Hero at Sgt. Sevilla alyas Tagoy na kilala ding illegal logger sa lalawigan ng Quezon.
Kaya ang hiling ng mga Cavite ay bumalikwas na si Gov. Remulla atasan si Col. Olazo na magsagawa ng mga police raid sa sakla joint at iba pang vice den na siyang pangunahing dahilan din ng tumataas na insidente ng kriminalidad sa Cavite.
Para sa kaalaman ni Gov. Remulla ang mga sakla den na imposible naman yatang hindi alam ni Col. Olazo na ang kung tawagin ay puesto pijo ay matatagpuan sa tabi lamang ng La Bien/Cuevas Funeral at ibat iba pang mga barangay ng siyudad nina Bacoor City Mayor Strike Revilla at Police Chief LtCol. Jesson Bombasi.
Sina Sgt. Sevilla aka Tagoy at ang grupo nito ang itinuturong nagbigay ng basbas para makapag-operate ng sakla sa tabi ng funeral homes kung saan ultimong mga naglalamay ay nagsisipagsugal at doon na din gumagamit ng shabu na ipinabebenta ng maintainer na sina Ewang at Christian.
Nagpapakilalang bata daw ni Mayor Strike sina Ewang at Christian ngunit di natin ito paniniwalaan maliban nga lang kung hindi ito sasawatain ni LtCol. Bombasi? Marami pang pwestuhan ng sakla sa ibay ibang lugar sa Lungsod ng Bacoor na di naaaksyunan ni LtCol. Bombasi.
Sa bayan ng Naic ay kaliwa’t-kanan ang saklaan ng isang Marycon ngunit ipinangangalandakan ng Ale na may bendisyon sa kanya si Naic Mayor Raffy Dualan, kaya’t di matinag ito ni LtCol. Resty Soriano?
Ang IT expert na tubong Davao na si Don kasosyo sina Hero at alyas Sgt. Sevilla aka Tagoy ay laganap na sa buong Cavite at mga kanugnog na lalawigan ang online gambling operation, ngunit nagtataka ang mga Caviteno kung bakit nananatiling nganga lamang dito si Col. Olazo?
May ulat pang binigyan na ng bendisyon ng isang Nita Kabayo na nagpapakilalang administrador ng STL operation ng gambling icon Bong Pineda, Sgt. Sevilla at Governor’s Squad para mag-operate na ang mga lokal bookies operator gamit na front ang franchise kuno ng STL operation ni Pineda para maging pulido ang lantrang pangungubra ng taya sa jueteng sa buong Cavite? Iyon naman ay kung totoong may lehitimong franchise nga sa Cavite si Bong Pineda?
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.