Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
MAINGAY as in pinag-uusapan ang kaganapan sa syobis. Ang mga artista ay sila na ring gumagawa ng isyu. Habang pinapanood ang Batang Quiapo, may eksena sina Lovi Poe at Janice Jurado.
Oo, naman, ang ganda at seksi niya nuon. Sumikat siya sa telebisyon, pelikula at mga live show sa mga club.
Teka, humirit din si Janice na siya ay nagmahal sa isang aktor. Korak, nagkarelasyon sila ni yumaong FPJ. Grabe, ang haba ng buhok ni Janice. Nagkausap naman sila ni Lovi. Labis niyang pinanghihinayangang hindi sila nagkaanak ni D’King kasi naaksidente si Janice at naapektuhan ang matris.
Ayaw niya magpatalbog kay Sabrina M. Imagine, mga aktor na yumao na e, muling pinag-uusapan ang nakaraang pag-iibigan.
Suwerte rin si Janice dahil mabait ang kanyang direktor na si Coco Martin. Mahaba rin ang role niya.
Well, sino kaya ang susunod na maglalahad ng kanyang tagong pag-ibig?
***
MAY apo na si Gabby Concepcion sa kanyang anak na si Gabrielle o Gari, anak niya kay Grace Ibuna. Ang gustong mag-asawa ni Gabby ay si KC pero mas naunang bigyan siya ng apong babae ni Gabrielle.
Naku, lahat ng mga anak ay babae sa mga babaing minahal niya. Unang apo niya ay babae. May nagsabi tuloy na puro pambayad utang ni Gabby.
Malay natin, mabigyan din siya ng apong lalaki. Pero wala siyang anak na lalake na magdadala ng kanyang apelyidong Concepcion.