Advertisers
TUMANGGI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na idetalye ang napag-usapan nila kamakailan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Marcos, inilahad sa kaniya ni Duterte ang naging pag-uusap nila ni Chinese President Xi Jinping.
Nakiusap ang Pangulo na hayaan na lamang na manatiling confidential sa pagitan nila ng dating presidente ang naging pag-uusap dahil ito aniya ay confidential operational matters.
Naniniwala ang pangulo na walang kaugnayan ang pagbisita ni Duterte sa China sa nangyaring insidente kamakailan sa Ayungin Shoal.