Advertisers

Advertisers

Matapos bombahin ng water cannon ng China Coast Guard ang supply boat ng AFP…PBBM TINIYAK IGIGIIT ANG SOBERANYA NG PINAS SA WPS

0 125

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na patuloy na papanindigan ng Pilipinas ang soberanya nito sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod sa pagharang at pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa chartered boat ng Armed Forces of the Philippines na magdadala ng suplay sa mga sundalo na nakahimpil sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong August 5.

Ayon sa Chief Executive, nagdala na ng bagong note verbal si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.



Sa panayam sa Pangulo nitong Lunes sa Bulacan, sinabi nito na kasama ng note verbal ay mga larawan at video ng pambobomba ng tubig ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard na magdadala ng suplay.

Sinabi pa ng Pangulo na magkakaroon sila ng command conference nitong Lunes ng hapon kasama ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para pag-usapan kung ano ang susunod na hakbang na gagawin hinggil sa nasabing insidente.



Tumanggi muna ang Pangulo na talakayin ang mga operational details ukol dito. Pero sinabi niyang patuloy na igigiit ng pamahalaan ang soberenya ng bansa, ang territorial rights sa harap ng mga hamon na ito alinsunod sa international laws at United Nations Convention on the law of the Sea (UNCLOS).

Sabi pa ng Pangulo, kung may pangangailangan na kausapin ng gobyerno si Chinese President Xi Jinping ay gagawin niya ito nang sa gayon ay magkaroon na ng konklusyon ang bagay na ito.



Aminado ang Pangulo na sadyang may gray area sa usapin ng pag-angkin ng China sa bahagi ng Ayungin Shoal na siya ring patuloy na ipinaglalaban ng Pilipinas dahil sa paninindigan na pagmamay-ari ito ng Pilipinas.