Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TULAD ng ibang mga personalidad like Coco Martin, Vice Ganda at MTRCB Chair na si Lala Sotto, hindi rin nakaligtas sa pagbabatikos ang asawa ng unkabogable star na si Ion Perez sa pang-ookray ng dakilang sawsawero na si Rendon Labador.
Sey ng socmed influencer: “May abs nga pero palamunin ka naman. Aanhin mo ang abs kung sa bakla kumapit?”
Ang kanyang patama ay direktang pagbatikos kay Ion tungkol sa umano’y pagpatol ng dating Mr. Escort kay Vice.
Si Ion naman na kilalang reserved at hindi maboka sa social media ay hindi na rin nakapagtimpi sa pag-atake sa kanya ng motivational speaker.
Rumesbak ito sa isang taong di niya pinangalanan na sa palagay nila ay ganti kay Rendon.
Aniya: “Ilabas ang resibo! Gusto ako niyan kaya s’ya ganyan!”
Nagkaroon tuloy ng espekulasyon na ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Rendon.
Malaman din ang ibig tumbukin niyang ‘berde ang dugo’ at miyembro ng kabekihan ang nasabing socmed influencer na nagmumura ang abs na mahilig na makisakay sa mga kontrobersyal na isyu para pag-usapan.
Pagtatanong tuloy ng kibitzers, may nakaraan daw kaya ang dalawang hombre o sadya lang matalas din ang pang-amoy ni Ion.
Sa ngayon, abangers din ang mga marisol kung saan hahantong ang kanilang word war.
Mauwi kaya ito sa sapakan o paggawa nila ng BL?
Samantala sa latest update, nag-react naman si Rendon kay Ion at hinamon na ito ng suntukan.
Ani Rendon: “Ayaw ko na sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo dahil duty ko ang magtama ng mga nakikita kong mali. Wala naman akong pakialam sa kahayupan ninyong dalawa, pinoprotektahan ko lang ang mga batang nanonood.
“Pero kung ako pinaparinggan mo sa ig story mo at matapang ka talaga… Oo gusto kita! Gusto kong basagin yang pagmumukha mong h___p ka! Suntukan tayo! G?!”