Advertisers

Advertisers

Australia, England pasok sa FIFA Women’s World Cup semifinals

0 174

Advertisers

KWALIPIKADO ang Australia at England para sa 2023 FIFA women’s Word Cup semifinals Sabado.

Pinagulong ng Co-host Australia ang France 7 – 6 sa penalties matapos ang regular at extra time nagtapos 0-0 sa Brisbane.

Makakaharap ng Australia ang Europe champion England sa susunod na Linggo sa tournament semifinals matapos ibalibag ng Lionesses ang Colombia 2-1 Sabado.



Ang first half ay nagtapos sa 1-1 sa Sydney matapos Colombias Leicy Santod at England’s Lauren Hemp umiskor para sa kanilang team.

Forward Alessia Russo umiskor ng winner sa 63rd minute upang ihated ang England sa semifinals.



Ang semifinals stage sa Women’s World Cup ay naitakda ang laban ng Spain kontra Sweden sa Martes, Agosto, 15 sa New Zealand’s Auckland.

Sa Agosto 16, makakatous ng Australia ang England sa Sydney.



Ang matatalo na team sa semifinals ay maglalaban sa third- place playoff sa Agosto 19.

Ang Women’s World Cup ay matatapos ang final sa Agosto 20, sa Sydney.