Advertisers
HINDI ko kinakampihan ang buang na “drag queen” na si Pura Luka Vega (Amadeus Fernando Pagente) na ideneklarang ‘persona non grata’ ng ilang lungsod, bayan, at lalawigan matapos mag-viral ang pag-baboy niya sa kanta sa simbahan na “Ama Namin” habang sumasayaw na nakasuot ng damit ng Black Nazarene.
Ang mga bayan, lungsod at lalawigan na nagdeklara ng ‘persona non grata’ laban kay Pura luka luka ay ang Manila City, General Santos City sa South Cotabato, Florida Blanca sa Pampanga, Nueva Ecija, Toboso sa Negros Occidental, at Bukidnon.
Talaga namang kasumpa-sumpa para sa religious people ang ginawa ni Pura luka luka.
Pero may mas kasumpa-sumpa pa ba sa pagmumura sa Diyos?
Nung murahin, kutyain ng dating pangulo ninyo na si Rody Duterte ang Diyos, bakit walang bayan, lungsod o lalawigan ang nagdeklarang siya’y ‘persona non grata’ sa mga lugar na ito na nagsumpa kay Pura luka luka? Sa halip ay pinalakpakan pa ninyo si Digong, di ba?
Pero dito sa pagkanta ng “Ama Namin” at pagsuot ng costume ng Black Nazarene ni Pura luka luka sa kanyang “drag performance” noong July 10, 2023 ay tinanggalan n’yo na siya ng karapatan makaapak sa lugar ninyo. Okey sa akin yan. Tama lang ito para sa buang na performer. Pero dapat ginawa nyo rin ito sa taong nagmura ng todo todo sa ating Diyos.
Say n’yo, mga halal na opisyal ng Maynila, GenSan, Florida Blanca, Toboso, Nueva Ecija at Bukidnon? Hindi ako bilib sa ginawa ninyong pag-unwelcome kay Pura luka luka sa lugar nyo. Sumasakay lang kayo sa isyu eh!
***
Doblado na ang butget para sa social pension ng indigent senior citizens sa year 2024.
Ibig sabihin, mula sa P500 na buwanang pensiyon nina lola’t lolo ngayon ay magiging P1,000 na sa 2024. May mapagkukunan na raw ito ng pondo.
Actually, July 30, 2022 pa naipasa ang batas para gawing P1K ang social pension. Pero dahil walang mapagkukunan ng pondo, hindi ito naipatupad.
Sabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, P49.81 bilyon na ang inilaan sa panukalang 2024 National Budget para pondohan ang pagdoble sa social pension ng mahigit 4 million indigents senior citizens.
Ang pondo sa social pension nitong 2023 ay P25.30 bilyon.
Kaya mga lola’t lolo, huwag muna kayong mamatay ngayon. Tikman n’yo muna ang P1,000 a month na pension ninyo.
Lilinawin ko lang, mga lola’t lolo, ang social pension po ay hindi galing sa bulsa ng mga politiko (mayor, congressman, gobernador, senador at presidente), kundi ito’y taxpayers money, sa atin na mga mamamayan. Ibinabalik lang sa inyo sa pamamagitan ng social services.
Kaya kapag may politikong nagsalita sa harap ninyo tungkol sa pamamahagi ng inyong social pension, sigawan ninyo ng “Fuck you!”
Oo! tuwing election period kasi ay ginagamit ng mga trapo (traditional politician) sa pangangampanya ang social pension. Na aalisin daw sa listahan o kaya’y hindi ibibigay ang kanilang social pension kapag hindi sila ibinoto. ‘Wag kayong magpapaniwala sa ganitong buladas ng mayor o gobernador ninyo lalo ng congressman. I-post nyo sa social media kapag ginawa nila ito. Okey?
Bukas uli…subaybayan!