Advertisers

Advertisers

Fire Marshal ng QC at inspection chief ginisa sa sunog na ikinasawi ng 15 katao

0 148

Advertisers

MULING ginisa ng mga konsehal ng Quezon City nitong Miyerkules ang QC Fire Marshal at kanyang inspection chief sa pagdinig ng Committee on Public Safety sa insidente ng sunog noong nakaraang Linggo na ikinasawi ng 15 katao.

Sa pagdinig ng committee, ginisa ng mga konsehal si QC Fire Marshal, Sr. Supt. Aristotle Bañaga at Chief Insp. Dominic Salvacion mula sa mga tanong ng konsehal gaya ni Majority Floor Leader Dorothy ‘Doray’ Delarmente (1st District) na kamakailan lamang ay nawalan ng tiyuhin sa sunog sa Tandang Sora subdivision.

“Naulit na naman. Marami pa ang namatay,” ayon kay Delarmente, habang tinatanong ang dalawang fire officials .



“Wala bang mga Waze ang inyong mga fire trucks?,” Tanong ni Councilor Aiko Melendez (5th District) at head ng Committee on Subdivision, at nagsabing magpa-file ng measure para sa mga residente upang maprotektahan ang mga ito laban sa sunog.

Kaugnay nito, sa naturang pagdinig ng committee, halos mawalan ng focus si Councilor Banjo Pilar (6th District) nang hindi makumpirma o maipaliwanag ng mga opisyal ng bumbero, kung susuriin muna ang isang may-ari ng bahay na ginawang commercial establishment para sa pag-iisyu ng Fire Safety Inspection Certificate, bago siya makapag-apply ng Business Permit.



Sa halip na magalit, sinabi ni Pilar na maghahain siya ng ordinansa na magsasabay sa daloy ng pagkuha ng business permit na kinakailangan ng lungsod bilang local regulatory body kasama ang pag-iisyu ng FSIC mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na isang pambansang regulatory body.

“Ako kahit bilang isang konsehal, sumunod sa lahat ng kinakailangang proseso. Sa mga kasong ito, walang sinuman mula sa aming mga bisita ang maaaring tumanggap na sila ay mali,” ani Pilar.



Ipinahayag ni Pilar sa pagdinig na siya ang mangunguna sa pagbuo ng isang ordinansa na magsasama-sama sa lokal at pambansang mga regulatory body.

Samantala, nakorner ni Pilar ang dalawang opisyal ng bumbero sa tanong na kung talagang susuriin nila ang bahay sa Kennedy St. sa Pleasant View Subdivision sa Barangay Tandang Sora na tinupok ng apoy kung saan 15 katao ang namatay.

Naging isang rehistradong MGC Wearhouse Inc. ang bahay, na ang mga problemang rekord at permit ay lumabas mula sa trahedya, dahil ang bahay ay iligal na ginawang pabrika.

Nalaman ng mga miyembro ng konseho ng lungsod mula sa Business Permit and Licensing Department na nilabag nito ang building code dahil walang building permit para sa istraktura at may fire clearance na nag-expire noong nakaraang taon ngunit hindi na-renew. (Boy Celario)