Advertisers

Advertisers

Kandidatong barangay kagawad, binaril-patay

0 100

Advertisers

NASAWI sa pamamaril nitong Miyerkules, September 7, 2023, ang isang kandidato sa pagka-kagawad sa isang barangay sa Pikit, Cotabato na kilalang tapat na lider ng isang pangkat ng volunteers na tumutulong sa pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan sa naturang bayan.

Sa pahayag nitong Huwebes ni Major Arvin John Cambang, hepe ng Pikit Municipal Police, namimili si Rhoyden Flores ng mga gulay sa isang tindahan sa Barangay Takepan nang lapitan ng isang lalaki at binaril ng .45 caliber pistol sa ulo.

Ayon kay Cambang, dalawang anggulo ang kanilang tinitingnan na posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima: Una, ang kanyang kandidatura sa pagka-kagawad sa barangay ng Takepan. Pangalawa ay ang malaking mga naitulong niya sa pulisya sa pagsawata ng mga gawain ng ilang masasamang tao sa kanilang barangay.



Kilala din si Flores, isa sa mga pinuno ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Takepan, na walang sinasanto sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar na magkahalong mga Muslim at Kristiyanong ang mga residente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">