Advertisers

Advertisers

No. 9 at 10 most wanted sa Caloocan, timbog!

0 70

Advertisers

NAARESTO.ng Caloocan PNP ang # 9 at #10 top most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations ng Caloocan PNP.

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan PNP. na nakita sa Brgy. 5 si Rowell Panes, 27, ng Phase 4, Package 5, Block 13, Lot 1, Bagong Silang, Brgy. 176, na No. 9 top most wanted person ng Caloocan City.

Nagsagawa ng manhunt operation ang Warrant Section na nagresulta sa pagkakadakip kay Panes sa A. Mabini Avenue corner P. Gomez St., Brgy., 5, alas-2:20 ng gabi.



Inaresto si Panes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 131, Caloocan City noong August 1, 2023, para sa paglabag sa Section 5(b) of RA 7610.

Natimbog din ng mga operatiba ng WSS ng Caloocan PNP sa manhunt operation sa Torres Bugallion St., Brgy., 9, ala-1:45 ng hapon ang isa pang wanted na si Jonathan Liva, 38, Joyride Rider, residente ng Phase 6, Purok 3, Brgy., 178.



Si Liva naman naulat na number 10 top MWP ng Caloocan City ay dinakip ng mga tauhan WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosalia Hipolito Bunagan ng RTC Branch 232, Caloocan City noong July 26, 2023, para sa kasong Frustrated Murder.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Costudial Facility Unit ng Caloocan Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">