Advertisers

Advertisers

Pagpapailaw sa Maynila, tuloy-tuloy – Mayora Honey

0 95

Advertisers

MAGANDANG balita sa mga motorista at mga pedestrians, dahil tuloy-tuloy ang pagpapailaw sa Maynila.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna, makaraang pangunahan ang streetlighting activity sa Quirino Avenue noong Lunes ng gabi , kung saan sinamahan siya nina City Engineer Armand Andres, Vice Mayor Yul Servo at City Electrician Randy Sadac at Chairman Jaime Adriano at iba pa.

Sa kanyang maiksing mensahe, sinabi ni Lacuna na ang kahabaan ang Quirino Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue ay inilawan bilang tugon sa mga kahilingan ng mgq residente at mga barangay officials na nakakasakop ng nasabing lugar.



“Napakadilim po kasi dito at marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga barangay officials na nakakasakop, ay talagang hiling na sana lumiwanag dito,” saad nito.

Ayon kay Andres, ang lugar ay pinailawan ng 70 sets of 27-feet steel lamp posts at sakop ang 10 barangay at may sukat ito na 965 square meters.

“Ito na ang katuparan ng inyong kahilingan, dahil sa masinop na pag-aalaga ng pondo ng inyong pamahalaan,” dagdag pa nito at binigyang halaga din niya ang maliwanag na lugar bilang pabor sa mga motorista, dahil iniiwasan ito ng mga mga kriminal na elemento.

Sinamantala din ng lady mayor ang pagkakataon na hilingin sa mga residente at mga opisyal ng barangay na naroroon na ingatan ang mga poste at ilaw at tiyaking laging gumagana at ligtas sa lahat ng uri ng bandalismo.

“Pakiusap po namin sa inyo… ito ay pinaghirapan nating lahat kaya sana ay panatilihin nating maliwanag ang parteng ito. ‘Wag kayong mag- alala dahil uunti-untiin natin ang kahabaan ng Quirino,” pagtitiyak ni Lacuna.

Pinasalamatan niya rin ang mga katuwang ng pamahalaang lungsod sa private sector, lalo na ang Meralco, sa kanilang patuloy na suporta.



Tiniyak ni Lacuna sa mga na ang kanilang pamahalaang lungsod ay patuloy sa pagkakaloob ng pinamakamahusay na serbisyo at may panawagan sa kanila na tumulong sa administrasyon na maisakatuparan ang mga programa patungong sa nalalapit na ‘Magnificent Manila’. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.