Advertisers

Advertisers

SATELLITE OFFICE

0 90

Advertisers

HINDI kailangan ng satellite office para sa Office of the Vice President (OVP). Batay sa Saligang Batas, ang trabaho ng bise president ay hintayin matigok ang presidente para siya ang pumalit sa timon ng gobyerno sa natitirang termino. Kung hindi siya bibigyan ng trabaho ng nakaupong presidente, wala siyang gagawin maliban sa tumanga at ngumanga.

Pinili ni BBM si Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd. May malaking opisina si Sara sa DepEd. May opisina ang OVP na ewan kung nasaan. Sa maikli, hindi niya kailangan ng satellite office. Para saan ang satellite office at ano ang silbi nito sa kanya? Hindi malinaw dahil sa hindi marunong magpaliwanag si Sara. Alam niyang pagtatawanan siya sa sandaling ipasa niya sa kanyang mga assistant ang tanong.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng mga assistant. Hindi namin hangarin na sumikat sila ng walang sapat na dahilan. Mamumulitika lang si Sara? Mukhang ito ang sagot sa tanong. Gagamitin lang niya ang satellite office upang pumosisyon sa susunod na halalan.



May magandang punto ang mga netizen sa pagpapaliwanag tungkol sa mga nakalipas na bise presidente. Hindi umasa si Noli de Castro sa satellite office sapagkat media personality siya at kilala siya sa buong bansa. Ganoon din si Jojo Binay dahil Boy Scout siya at umasa sa network ng Boy Scout of the Philippines (BSP).

Hindi umasa si Leni Robredo sa anumang network at satellite office. Pumunta siya sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pagtugon sa kanyang community works. May kanya kanya sila istilo at wala ang satellite office sa kanyang mga istilo. Iyan ang problema ni Sara. Wala siyang imagination sa pagganap ng kanyang tungkulin. Dagdag na gastos lang iyon sa gobyerno.
*
MUKHANG target na rin na wasakin si Baguio City Mayor Ben Magalong ng ilang operator sa pulitika. Kumalat sa social media na pati ang mga apo ni Magalong ay pinaghinalaan na adik sa droga. Ang isa sa mga apo ay walong taong gulang at ang isa, 14 anyos. Hindi tama na masama ang mga bata sa magulo at maruming mundo ng pulitika.
*
HINDI totoo ang sinabi ni Rep. Stello Quimbo na may line budget sa OVP noong 2022., ngunit zero lang nakalagay. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros sa panayam ni Karen Davita ng ANC: “ Well, apparently, there is something not right with this. Nakatawag agad ng pansin ng aking Senate Minority leader Koko Pimentel and even another former Senate President, si former Senator Frank Drilon. Kasi malinaw kahit, you know, basahin niyo ang dokumento ng budget for that year, wala namang line item for confidential funds for OVP, na yun lang yung proper na pwedeng lipatan ng funds from the OP.

“Kasi sabi kung may savings ang isang opisina tulad ng OP, kung may item sa ibang opisina na pwedeng ia-augment then naging proper sana ang transfer. Pero yun na nga, wala namang line item for confidential funds sa OVP na pwedeng lipatan ng budget from savings of OP. And apparently, further sleuthing by our budget experts inside and outside the government showed na ang pinagkuhanan sa OP budget are contingent funds, o isa pang medyo misteryosong animal sa budget instrument, that like confidential funds, like even intelligence funds, yang contingent funds should be subject to more transparency and accountability hindi lang para sa amin sa Kongreso, also for the citizen taxpayers.”
Paiba-iba ang paliwanag sa isyu. Sabi ni Risa: “Well pansin natin, the more they clarify medyo lalong lumalabo kasi paiba-iba yung mga paliwanag nila. Ano ba talaga? Confidential fund ba yan mula sa OP o sa OVP? Ay hindi pala kasi tumutol ang mga tao, paano naging confidential fund transfer when there was no line item budget for OVP to which any savings from OP could have been properly transferred to augment that OVP line item budget?

“So nag-iba naman ang paliwanag nila, from ES, to DBM to OP ngayon, “Ay ang source pala ay contingent funds.” So alam nyo if something has been straightforward, defensible, and accountable, dapat naging simple lang ang paliwanag. The more na paiba-iba ang paliwanag nila nagmumukhang hindi maliwanag kundi malabo. So now our attention has been drawn to the contingent funds from the OP. Kahit yun subject to scrutiny not only by Congress, but by the citizens at maging simple. diretso, katanggap-tanggap ang paliwanag para magmukhang tama, kung talagang tama. In fact, our attention has been drawn even more, not less, dito sa saga ng paliwanag at paulit-ulit na paliwanag tungkol sa confidential funds na iyan.”

Ani Risa: “Well ang hirap eh, tuwing nagbabago ang paliwanag nila saan galing yang pondong inilipat sa OVP? So then they have to change the technical terms they use for each source para magmukhang proper, para magmukhang by the book. Dahil apparently, each source of funds, kung confidential yan or contingent yan, may tamang term para sa paglipat. So hindi na raw augmentation, transfer na siya, hindi na siya transfer, release na siya.”

May dagdag: “So di ba nagmumukhang, hmmm suspect? Kasi bakit paiba-iba ang paliwanag? And then they have to work backwards to use the proper terms para sabihing, “technically, it was not this, it was not that.” When you hear “technically” pag pinag-uusapan ang budget issues, naiisip mo tuloy, “Oh sounds like, technical malversation.” And that’s all is Congress is trying to get to the bottom of, kasi pag budget debates, inaaral namin ang COA reports, inaaral din namin ang paliwanag sa nangyari sa budget of the previous year or previous years as in this case, this mysterious transfer of money from OP to OVP para sa taong 2022.”
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Hindi ko maubos-maisip kung bakit ang Dept. of Education may budget para sa confidential fund pero wala itong budget para sa children with learning disabilities at special needs.” – Ellen Sicat, netizen



“The July 12, 2016 decision of the UNCLOS Permanent Arbitral Commision rejecting China’s fictional Nine-Dash Line is China’s biggest thorn in its claim over South China Sea. China has no known answer for that decision except to insist on bilateral talks instead of multilateral approach on the issue. Every nation that has business on that part of the world readily cites the decision. Soft-pedaling on the UNCLOS decision as what the madman has been doing is a sheer act of insanity. That decision is our trump card.” – PL, netizen, kritiko

“Bakit hahanapan ang Makabayan bloc ng ‘proof’ ng maling paggamit ni Duterte ng confidential funds? In the first place, ang issue nga na nire-raise nila ay ayaw ilabas ni Duterte ang detalye ng paggamit niya ng pondo. Saan napunta ang P125M na ginastos in 19 days?” – Teddy Casino, netizen, dating mambabatas

“Am really pissed that the taxes my children pay goes to unaccountable confidential funds! Tama na sobra na!” – Nick Quijano, netizen, mamamahayag
Email:bootsfra@yahoo.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.