Advertisers
Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apila ni Ginang Marlina Veloso Galenzoga at kilalang Abogadong si Atty. Levito Baligod nang tanggihan ang kanilang hiling na Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay nang mahigit sa Pitong Hektaryang lupain sa 14 Ave. Street New Manila, Quezon City.
Ang lupang ito ang sentro ng tunggalian nina Galenzoga laban sa Titan Dragon Property Corporation, na siyang higit na pinaboran ng Korte Suprema hinggil na rin sa mag dokumentong isinumiti nito, at napatunayan na Titan Dragon umano ang tunay na nagmamay ari ng naturang lupain.
Napag-alaman na ‘di umanoy wala sa ayos ang Deed Of Absulute Sale na hawak nila Galenzoga, noong taong Desiyembre 8 1997 na kung saan pinirmahan ni Antonio Yao Presidente ng Titan Dragon at sinasabing Corporate Secretary si Rene Chua na kung saan kinumpirma ito ng SC na pawang mga palsipikado ang mga naturang dokumento.
Nakasaad pa di umano sa Deed Of Absulute Sale na pinrisinta nila Galenzoga ay 850 pesos lamang ang metro kudrado noong 1997 na kung saan ay humigit kumulang na 34,000.00 pesos na ang mga panahong iyon, at ang isinumiting titulo ng lupa sa Land Registration Authority (LRA) at ng Bangko Central ng Pilipinas (BSP) ay ” OF DUBIOUS CHARACTER’ at ‘APPEARED TO BE A CLONE”
Kinansela din ng Certificate Authorizing Registration (CAR) ng BIR dahil napatunayan na hindi binayaran ni Veloso at Baligod ang buwis ng naturang lupa at iniba nila ang address kung kayat na Default ang Titan Dragon kung kayat hindi nito nasepensahan ang naturang kaso.
Simula ng Nabisto ng Korte Suprema at ng Court of Appeals ang mga iregularidad sa panig ni Veloso at Baligod ay Mariing dinisisyunan nito noong Abril 28 2021 pabor sa Titan Dragon, at sinubukan pang harangin ang Writ of Execution na inihain ni Judge Ralph Lee subalit nabigo pa rin ang kampo ni Veloso at Baligod.
Una nang hiniling ng Titan Dragon na kusang bakantehin ng mga armadong guwardiya nila Galenzoga ang lupa, upang makaiwas sa gulo, bagay na hindi pa rin ginagawa ng kampo nila Galenzoga hanggang sa ngayon.
Ayon sa Titan Dragon, nag aantay na lamang sila ng kaukulang aksyon mula sa Court Sheriff upang maipatupad ang eviction order, at umaasa silang hindi ito mauuwi sa anu mang kaguluhan.
Nakaantabay naman ang Philippine National Police (PNP) partikular ang NCRPO kung sakaling kailanganin ang kanilang presensiya upang mapanatili ang kaayusan sa naturang lugar.