Advertisers

Advertisers

IMPLEMENTASYON NG EMANCIPATION ACT, ‘DI MAGIGING MADALI—ADMIN

0 43

Advertisers

AMINADO ang pamahalaan na hindi magiging madali ang pagpapatupad ng implementing rules and regulations (IRR) ng New Agrarian Reform Emancipation Act.

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing matapos ipag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na apurahin ang implementasyon ng IRR.

Sa ilalim ng bagong batas, buburahin ang pagkakautang ng mga magsasakang benepisyaryo ng Agrarian Reform Program na ang bilang ay tinatayang papalo sa 600,000.



Sinabi ni Estrella na sisikapin nilang makapagproseso ng hanggang 200,000 sa buong bansa hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Iginiit ng kalihim na napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat ngayon dahil sa sobrang daming taon na nakalipas na nagkaroon ng mga problema ay kinailangan nila itong ayusin sa loob lamang ng limang taon. (Gilbert Perdez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.