Advertisers

Advertisers

Tulak tiklo sa Navotas drug bust

0 55

Advertisers

Tinatayang halos P.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa isang listed drug pusher matapos matimbog sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si Ian Apaap alyas “Kogan”, 35, mangingisda ng 442 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes 11:45 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ni P/Cpt. Genere Sanchez, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa drug operation sa M. Naval St., Brgy. Tangos North matapos bentahan ng P12,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.



Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 56 gramo ng shabu na may standard drug price value na P380,800, at buy-bust money na isang P1,000 bill, kasama ang 11-pirasong P1,000 boodle money.
Ani PSSg Eldefonso Torio, kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at 11 (Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa nila laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Beth Samson)

Leave A Reply

Your email address will not be published.