Advertisers

Advertisers

OTS, KITA SA CCTV NILUNOK $300 NG PASAHERO SA NAIA

0 529

Advertisers

NAKUNAN ng closed-circuit television (CCTV) recording sa NAIA Terminal 1 ang isang babaeng personnel ng Office for Transportation Security (OTS) na nilulunok ang 300 US dollar bills na kinuha diumano nito mula sa papaaalis na Chinese passenger sa isang hakbang na layuning mawala ang ebidensiya matapos magreklamo ang pasahero nang idaan ang kanyang bag sa final security check area.

Nakatayo ang OTS supervisor sa tabi ng OTS personnel na inakusahang kumuha ng pera sa isang Chinese passenger, habang nagtatakip ng panyo sa bibig.

Sa records ng airport authorities, kinilala ang OTS employee na isang babaeng security screening officer (SSO), habang nakasaad na ang kanyang supervisor at isang x-ray operator ang maari ring may papel sa nasabing insidente.



Batay sa chronological events na nakasaad sa official report at na-capture sa pamamagitan ng video footages sa departure final screening checkpoint (DFSCP), nag-umpisa ang insidente 8:18 ng gabi ng September 8, 20233, nang dumating ang complainant, na isang Mr. Cai, na nakasuot ng puting polo at asul na maong pants sa departure final checkpoint o DFSCP at inilagay ang kanyang shoulder bag sa isang inspection tray.

May isang minutong lumipas nang dumaan ang pasahero sa Advanced Imaging Technolocy Machine at dinala naman ng SSO ang tray sa inspection table at nagsagawa ng manual search.

Matapos ang inspeksyon, ayon sa report, tumalikod ang SSO habang may hawak sa kaliwang kamay na nakasara, bago may inilagay nang mabilisan sa kanyang kaliwang torso o bewang at saka bumalik sa inspection table.

Bumalik ang complainant sa screening area nang madiskubreng bukas ang kanyang pitaka at may nawawalang pera.

Nagsagawa ng subsequent ocular inspection sa DFSCP para sa posibleng pag-recover ng nawawalang pera at upang tiyakin na makita ang lahat ng available CCTV cameras sa paligid.

“After documentation, the SSO was referred for further inquiry wherein her MIAA seasonal access pass was confiscated, considering the circumstanes of her suspicious body movements initially seen during the review of the CCTV,” ayon sa report. Pinawalan ang SSO 12:50am ng September 9 sa kustodiya ng kanyang supervisor.



Nagsagawa ng follow-up ang airport authorities 3:00 ng umaga para i-review ang isa pang CCTV footage, at doon ay nakita ang DFSCP mula 8:39 ng gabi. Nakita doon ang isang komprontasyon sa pagitan ng complainant at SSO, kanyang supervisor, isang passenger service agent, isang lalaking PNP member at isang taga-Airport Police Department. Isang x-ray operator din ang nakunan na nag-abot ng bottled water sa suspek, na ayon sa awtoridad ay ‘edgy and restless.

Tumalikod ang SSO at ‘di nito alam na nakaharap siya sa camera, kungsaan nakitang nilulunok niya ang dollar bills na itiniklop ng maliit para maging isang piraso, habang ‘di alintana ang isang babaeng pasaherong nagtatanong sa kanyang likuran.

Ayon sa report, nakitang nahirapan ang SSO sa paglunok ng dollar bills sa kabila ng tubig na iniabot sa kanya.

Nilapitan ng supervisor ang nasabing SSO at nakita silang nag-uusap habang masuka-suka ang SSO at saka ito gumamit ng panyo para takpan ang kanyang bibig.

“Ang supervisor was ‘apparently ensuring that the bills are dispatched to preclude any evidence,” dagdag pa ng report.

Isinama ang complainant ng airport authorities subali’t nang kinokontak na ito kalaunan base sa kanyang complaint form, ‘di na umano sumagot.

Dakong 4:40 ng hapon ng September 16, naispatan si Mr. Cai sa departure boarding gate.

“Evidently, Cai did not return to Manila earlier after the incident but never made any contact with authorities regarding his complaint,” ayon sa report.

Tumuloy ang airport authorities sa Boarding Gate 16 saTerminal 1 at nakipag-ugnayan sa isang airline representative upang mag-inquire sa complainant ukol sa pagsasampa ng ciminal case laban sa SSO subalit umayaw na umano si Mr. Cai.

Nakasaad sa findings ng airport authorities na: “The CCTV footage clearly shows that the (suspect) SSO, with intent to gain, took the USD300 of Mr. Cai during her inspection process and was clearly in the possession of the stolen money as she deliberately swallowed the paper bills to avoid getting caught. In addition, supervisor… and x-ray operator… who gave the water bottle …appeared to be in connivance relative to the execution and subesequent evasion on the consequence of herein illegal act of SSO.” (JERRY S. TAN)