Advertisers

Advertisers

Titan dragon properties corp., pinaboran korte

0 45

Advertisers

IKINATUWA ng Titan dragon properties Corporation ang pagpabor sa kanila ng desisyon ng Court of Appeals kaugnay sa pagmamay ari ng 7 ektaryang lupain sa New Manila, Quezon Cty na inaangkin ng biyenan ni Atty. Levito Baligod.

Nabatid sa 22 pahinang desisyon ng 15th division ng C.A, tuluyan nang ibinasura ang petition for certiorari na inihain ng pamilya ni Marlina Veloso-Galengzoga na humihiling na ipawalang bisa ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagkakansela sa titulo pinagtatalunang lupain.

Base sa desisyon ng korte, walang nangyaring transaksyon o pagbenta ng lupa sa pagitan ng Titan dragon at pamilya Galenzoga, bagkus pineke umano ang mga titulo para sa lupa.



Ayon sa kumpanya, Ang owner’s duplicate ng original na titulo ng lupa na isinumite ni Atty. Levito Baligod sa Register of Deeds ng Quezon City ay una nang Napuna ng Land Registration Authority (LRA) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na “of dubious character” at “appeared to be a clone”.

Lumalabas din na peke ang hawak na deed of absolute sale na biyenan ni Atty.Baligod kung saan sinasabing nabili nila ang 7 ektaryang lupa sa halagang 60 milyon na piso o mahigit kumulang 850 piso kada square meter lamang samantalang ang zonal value ay mahigit kumulang 34,000 piso kada square meter.

Dahil dito, muling iginiit ng Titan dragon na sila ang tunay at legal na may ari ng 7 ektaryang lupain kaya wala nang dapat na maging hadlang sa kanilang pagbawi ng property mula sa kampo nila Baligod

Ayon sa lead counsel ng Titan dragon na si Atty. Antonio Nachura Jr., noong September 1 pa dapat naipatupad ang break open order na utos ng korte ngunit pinigilan ito ng kampo ni Atty Baligod at hinarass umano ang sheriff na si Fancisco San Andres.

Nakadagdag din umano sa tensyon ang mga armadong gwardya at mga tiwalag na myembro ng Philippine guardians na nagbabantay at ilegal na umuukupa sa property.

Umaasa ang Titan dragon na payapang lilisanin ng mga armadong security guard nina Baligod ang property bilang pagtalima sa utos ng korte at upang maiwasan na magkagulo.



Kaugnay nito una nang siniguro ng NCRPO na nakahanda sila na magpadala ng pwersa sa lugar kung hihingi ng police assistance ang sheriff para sa mapayapang implementasyon ng panibagong kautusan ng korte.(Boy Celario)

Leave A Reply

Your email address will not be published.