Advertisers
Binisita ni Senadora Imee R. Marcos ang Pateros at Taguig City upang mamahagi ng tulong pinansyal.
Kasama ang ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ike Ponce III, nagsagawa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout ngayong Martes, September 19.
Isanlibong (1,000) residente ng Pateros ang nakatanggap ng ?3,000 cash assistance para sa kanilang mga pamilya.
Sunod na pinuntahan ni Senadora Imee ang Taguig City para bisitahin at kamustahin ang solo parents sa lugar.
Dalawang libong (2,000) solo parents ng Taguig City ang nabahaginan din ng ?3,000 bawat isa mula sa programang AICS ng ahensya ng DSWD.
Sa dalawang lugar na pinuntahan, may dalang mga Nutribun at mga laruan ang senadora para sa mga kabataan na kasama ng mga benepisyaryo. (CESAR MORALES)