Advertisers
INILIPAT sa mas malaking stadium ang AFC Women’s Olympic Football Tournament Asian Qualifier sa pagitan ng Filipinas at Australia.
Dahil umano sa maraming nais manood na laro ay nailipat mula sa dating Perth Rectangular Stadium ay gaganapin na ito sa Optus Stadium.
Gaganapin ang laban sa darating na Oktubre 29 kung saan ang venue ay may kapasidad ng hanggang 60,000 audience.
Kapwa na sa Group A ang Pilipinas at Australia ng second round ng qualifiers kasama ang Chinese Taipei at Iran.
Ang ilang laro sa group ay gaganapin sa Perth Rectangular Stadium sa Australia na mayroong capacity ng 20,000 fans.