Advertisers

Advertisers

DICT lumustay ng P1.2-B confidential funds, humihirit ng P300m para sa 2024

0 90

Advertisers

GRABE kung lumustay ng pasekreto ng taxpayers money itong mga ahensiya ng gobyerno pero wala naman tayong nakikitang maganda sa pinaggagamitan nila ng pondo na ating pinag-ambag-ambagan.

Tulad nitong Department of Information and Communications Technology (DICT). Lumaspag pala ito ng P1.2 bilyong confidential and intelligence funds (CIFs) noong 2019 at 2020 na kinuwestyon noon ng Commission on Audit (CoA), panahong kasagsagan ng Covid-19.

Tapos humihirit uli ngayon ng P300 million CIFs para sa year 2024 ang DICT, para raw labanan ang online at text scams. Sus! Eh ang online sabong nga na lantaran ang pangre-recruit ng players sa Facebook ay hindi nito masawata!



Ang text scams ay makokontrol na ngayon ng National Telecommunication Commission (NTC) dahil nakarehistro na ang mga SIM cards ng telcos.

Dapat patunayan muna ng DICT na worth silang bigyan ng daan daang milyong pisong CIF. Sugpuin muna nila ang mga illegal online sabong partikukar ang Sabong Worldwide.

Ang DICT ay isa sa mga inatasan ng Executive No. 09 ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. na sugpuin ang online illegal gambling. Pero sa nakikita nating napakatalamak ng online sabong ngayon, hindi karapat-dapat na bigyan pa ng confidential funds itong ahensiyang pinamumunuan ni Secretary Ivan Uy. Mismo!

***

Dapat na talaga linawin ng Korte Suprema kung tama bang magkaroon ng confidential funds ang mga ahensiya ng gobyerno na walang kinalaman sa pangangalaga sa national security ng bansa.

Itong confidential funds ay salungat sa kampanya ni Pangulong Marcos Jr. na transparency sa paggamit sa pera ng mamamayan. Mantakin mong lulustay sila ng daan daang milyon piso hanggang bilyones tapos ayaw ipabatid sa atin kung saan nila ito ginamit o gagamitin. Aba’y napaka-unfair nito para sa taxpayers, right?



Kaya dapat bigyang linaw na ito ng Kataas-taasang Hukuman sa lalong madaling panahon. Mismo!

Nauso kasi itong confidential funds na ito nang maupo si Rody Duterte tapos pinayagan naman ni PBBM na ituloy ngayon.Fuck!

Leave A Reply

Your email address will not be published.