Advertisers
ISA ang patay at dalawa ang sugatan nang pagbabarilin sa San Francisco, Cauayan City Lunes ng gabi, Setyembre 18, 2023.
Kinilala ang nasawi na si Marlon Quijano, 41 anyos; habang sugatan sina si Joseph Benigno, 52, kapitan ng Brgy. Dabburab; at Elpidio Camongao Jr., 47, ng Brgy. San Francisco.
Sa nakuhang impormasyon sa Cauayan Police Station, pauwi na ang tatlo lulan ng kanilang mga motorsiklo galing sa Brgy. Rizaluna, Alicia kungsaan sila nagbenta ng kanilang aning palay. Nang makarating sila sa madilim na bahagi ng kalsada sa Brgy. San Francisco, may nag-overtake na isa ring motorsiklo at sila’y pinagbabaril.
Mag-isa si Quijano sa kanyang motorsiklo, habang ang kapitan at si Camungao ay magka-angkas nang mangyari ang pamamaril.
Mabilis narumesponde ang pulisya sa tulong ng mga residente sa lugar at agad naitakbo sa pagamutan ang tatlong biktima ngunit dead-on-arrival si Quijano.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.