Advertisers
SINIRA ng University of Santo Tomas (UST) ang debut ng bagong Letran Coach Oliver Almadro sa iskor na 25-21, 25-23,25-14, upang manateling walang talo sa 2023 Shakeys Super League (SSL) Collegiate Pre- Season Championship Lunes sa FilOil EccoOil Centre sa San Juan.
Tinapyas ng Golden Tigresses ang dalawang dikit na sets bago ginulpi ang Lady knights sa third para maangkin ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa Pool A ng 16-team SSL.
Muling umiskor ang rookies Angeline Poyos ng 13 points on 11 attacks, at ace at block para itumba ng UST ang Letran sa loob ng 81 minuto matapos ang four-set win kontra Univesity of Perpetual Help System Dalta sa opener.
Xyza Gula nagdagdag ng nine points habang setter Cassie Carballo bumakas ng seven points at four aces. Regina Jurado at Kyla Cordora nag-ambag ng tig-seven points sa panalo ng Golden Tigresses.