Advertisers

Advertisers

Babaeng OTS personnel sa NAIA iginiit tsokolate ang nilunok, ‘di pera

0 17

Advertisers

INIHAYAG ng tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) na na-hulicam diumano sa pagsubo sa nawawalang $300 ng isang pasahero sa NAIA, na tsokolate ang inilagay niya sa kanyang bibig at hindi ang naturang pera.

Sa ulat, nagsumite ng supplemental affidavit ang naturang tauhan para igiit na hindi niya ninakaw at isinubo ang nawawalang pera ng pasahero.

Hindi naman kumbinsido sa sinabi niya ang fact finding team ng OTS.



Ani OTS Administrator Undersecretary Mao Aplasca, hindi normal ang pagkain nito ng tsokolate.

“Hirap na hirap at tinutulak pa niya ng tubig. Hindi mo kailangan ng tubig. ‘Yun talaga ang paniniwala nila, na hindi ‘yun tsokolate,” saad ni Aplasca.