Advertisers

Advertisers

‘Ismagler habulin, mga magsasaka tulungan’ — Bong Go

0 10

Advertisers

Upang matugunan ang patuloy na alalahanin tungkol sa presyo ng bigas at seguridad sa pagkain sa bansa, sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Senate committee on agriculture, na dapat sugpuin ang hoarders at smugglers ng bigas at tulungan ang mga lokal na magsasaka na mapalaki ang kanilang produskyon.

“Two things ang dapat nating gawin. Unang-una, dapat po ay labanan natin, go against hoarders and smugglers. Dapat po ay walang makinabang na mga smugglers dito,” ani Go matapo niyang tulungan ang mga mahihirap na residente sa Makato, Aklan.

Idiniin ni Go ang pangangailangang bigyan ng tulong ang mga magsasaka upang mapataas ang produksyon sa agrikultura at maprotektahan ang kanilang kapakanan sa gitna ng mga hamong kinakaharap dahil sa pagtaas ng presyo.



“Dapat po masaya ang ating mga magsasaka. Dapat po ay kumita ang ating mga magsasaka,” ayon kay Go.

“Sila po ang dapat suportahan ng gobyerno,” giit pa niya.



Nanawagan din si Go sa Department of Agriculture, gayundin sa iba pang concerned government entities tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na pabilisin ang pamamahagi ng tulong sa mga naghihirap na magsasaka at mga kwalipikadong indigents lalo na sa mga rural na lugar.

Sinabi ng senador na kung may ayuda na dapat ibigay ay ibigay sa kanila dahil may pera naman ang gobyerno at huwag maging selective sa pamamahagi ng tulong.



“Nandiyan ang programa. Nandiyan ang pondo na aprubado ng Kongreso, siguraduhin dapat ng gobyerno na mapakikinabangan ang mga ito ng mga pinakanangangailangang mga kababayan natin tulad ng mga magsasakang naghihirap ngayon,” idiniin ng senador.

Sinabi ni Go na ang dalawahang diskarte na ito ay naglalayong magkaroon ng balanse sa pagitan ng mga puwersa ng pamilihan at interbensyon ng gobyerno, na nakatuon sa parehong pagpapatupad ng batas laban sa mga hoarder at smuggler at pag-angat ng mga ordinaryong manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Binanggit ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain, patuloy na itinutulak ni Go ang mas malakas na sistema ng suporta at imprastraktura sa agrikultura.

Isa siya sa co-author ng panukala na naging Republic Act No. 11901, na nagpapalawak sa sistema ng pagpopondo sa agrikultura, pangisdaan, at rural development.

Kasama rin si Go sa nagsulong ng Senate Bill No. 1850–ang bersyon ng Senado na RA 11953, mas kilala bilang New Agrarian Emancipation Act.

Inihain din ng senador ang SBN 2117 na naglalayong magbigay ng full crop insurance coverage sa agrarian reform beneficiaries, gayundin ang SBN 2118 na naglalayong magbigay ng mas magandang insurance coverage at serbisyo sa mga magsasaka para mabawasan ang epekto ng mga natural na kalamidad sa sektor ng agrikultura, kung maisabatas.