Airport police na sangkot sa mga anomalya sa airport, imbestigahan din – Comm. Tansingco
Advertisers
SINABI ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na irerekomenda nya na maibestigahan rin ang mga airport police kaugnay sa mga iligal na aktibidad na nagaganap sa airport.
Sa isinagawang MACHRA’s Balitaan forum nitong Martes ng umaga sa Harbor View ng Manila City Hall Reporter’s Association (Machra),sinabi ni Tansingco na may insidente ng “escort service” na ang nagfacilitate ay airport police.
” Hindi nga lamang natuloy dahil naharang ng mga immigration officer, kasi kapag may iligal na nangyayari sa airport , ang itinuturo ay immigration officer,” ayon kay Tansingco.
Hiniling rin ni Tansingco sa Manila International Airport Administration (MIAA) na imbestigahan rin ang kanilang mga airport police.
Kaugnay nito, sinabi ni Tansingco na patuloy na ibina-validate ang ibinulgar ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may transaksiyon na P150,000 escort fee para makapag labas-masok sa bansa ang umano’y mga nasa blacklist na indibidwal.
Nabatid pa kay Tansingco na umaasa siya na bago matapos ang taon ay masimulan na on-line ang pagkuha ng visa. (ANDI GARCIA)