Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA vlog na “Ogie Inspires” ni Ogie Diaz, nag-throwback ang singer na si Kyla tungkol sa pagme-meet nila ng mister na si Rich Alvarez.
Ani Kyla, noong una raw ay nagsimula ang panunuyo ang kabiyak sa kanya bilang fan.
Lagi raw itong sumisimple lalo na kapag may show o concert siya.
Katunayan, karamihan daw ng kanyang mga manliligaw noon ay hindi type ng kanyang parents pero iba raw ang karisma ni Rich.
Nagustuhan daw agad ito ng kanyang mga magulang.
Naging rollercoaster din daw ang kanilang pagsasama mula nang sila ay ikasal.
Ang pangarap daw nila ni Rich ay magkaroon ng maraming anak.
Pero, pagkatapos daw na ipanganak niya ang kanilang panganay na si Toby ay naging madamot na sa kanila ang tadhana.
After Toby, ilang beses daw siyang nabuntis pero unfortunately, lahat daw ng ipinagbuntis niya ay hindi pinalad na mabuhay.
Pagkukumpisal pa niya, apat na beses daw siyang nakunan o nagkaroon ng miscarriage.
Na-depress daw siya noon at talagang halos nawalan na ng ganang magtrabaho.
May mga pagkakataon pa nga raw na dumating siya sa puntong gusto niyang kuwestiyunin ang Diyos dahil sa mga nangyaring trahedya sa kanyang buhay.
Kapag din daw pinag-uusapan ang miscarriages, naalala niya ang apat na angels niya lalo na kung umuulan.
Feeling niya, iyong mga anak daw niya ay naglalaro lamang at nagtatampisaw sa ulan.
May time nga raw na napapanaginipan niya parati na nanganak siya o kayaý hinahatid niya ang kanyang mga anak (na hindi nabuhay) sa iskul.
Sa ngayon daw, natanggap na raw niya ang kapalaran ng kanyang mga anak sa tulong na rin ng kanyang prayer warriors at ng kanyang pamilya.
Na-realize rin daw niya na marahil ay may ibang plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa kaya naman kumakapit na lang sila sa kanilang masidhing pananampalataya.