Advertisers
Nag-umpisa na kamakalawa ang opisyal na campaign period para sa Barangay at SK elections.
As usual,mga tradisyunal na gimik ang ating natunghayan sa unang araw ng kampanyahan.
Pagpapaskil ng mga campaign posters,pamamamahagi ng mga campaign leaflets at ng kung anu- anong anik- anik as giveaways with matching pangalan ng kandidato.
Nagpasikip naman sa daloy ng trapiko ay ang walang kamatayang motorcades ng mga kandidato full force with their supporters.
Strategy ito ng isang kandidato o ng isang grupo bilang “show of force” to gain momentum and psychological advantage laban sa kanilang kalaban.
In most cases,mga incumbent or reelectionist candidates ang nakakagawa nito dahil nasa kanila lahat ang resources pati na ang suporta ni yorme at ng ilan pang local executives.
In rare cases,kayang gawin ito ng isang mayamang kandidato kahit pa nga sino ang kalaban…kahit pa nga ang reeleksyonistang si Kapitan.
Iba talaga ang kapangyarihan ng pera.
May kilala nga tayo dyan sa Paranaque,top notch election lawyer pa ang kinuha to support her re- election bid.
Meaning malaking factor ang talaga ang “vast resources” ng isang kandidato para manalo.
Advantage din kung gaano kasikat at gaano kalawak ang koneksyon nito.
Clout ika nga at name recall.
Alam naman nating lahat ang nagagawa ng pera… napapaganda ang pangit at napapagmukhang santo ang tarantado!
In short,election here in the Philippines is festive but very expensive!
Di puwedeng walang perang involved.
Di puwedeng walang gulangan or worst dayaan.
Parte ng ating halalan ay batuhan ng putik than attacking real and factual issues.
Durugan ng lahi at pagkatao sa pamamamagitan ng pagkakalat ng tsismis at gawa- gawang paninira.
Demolition job ang tawag dito na pinupondohan ng sandamukal na kuwarta by hiring “political operators” mostly from mainstream media/social media vloggers.
May pananakot din lalo na sa malalayong probinsiya tulad sa Kabisayaan at Mindanao.
Magulo at delikado ang mga lugar na ito na lalong pinaiinit ng mga pulutikong supporters ng isang partikular na kandidato.
Suma- total, hindi lamang boses ng tao o boto ng electorates ang factors in winning an election sa atin bansa.
Most often, nagagawa ito sa pamamagitan ng vote- buying,intimidation and worst terrorism gaya ng mga ginagawang panggugulo ng mga warlords at NPA at organized vertical groups sa ilang lugar at pamayanan ng ating bansa.
Mahalaga kasi ang poder ng isang Kapitan…
Dito nag- uumpisa ang lahat!
The so- called manipulation and control of everything!
Alam na nyo yun what I’m saying!
Sa start ng campaign period ng Barangay at SK elections na ito,tanging hiling lamang natin ay maging maayos at mapayapa ito.
Kalabisan ng hilingin pa natin maging malinis at parehas ang BSK Election 2023!
Masyadong kaplaskikan na ito at panggogoyo sa tao.
Walang naging halalan sa Pilipinas ang naging perehas at malinis since time immemorial.
Kung yun ngang halalan sa pagitan nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio para sa liderato ng Katipunan (KKK) ay nabahiran ng lantarang dayaan at kataksilan,eto pa bang eleksyon ng mga taong walang pagpapahalaga sa dangal at karapatan!
Bumoto ng naaayon sa inyong panunaw at prayoridad.
To hell with prinsipyo at konsensiya!
Di totoo ‘yan dito sa Pilipinas!
Real talk baga!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com