Advertisers
DALAWANG residente ng Pikit, Cotabato ang nadagdag sa listahan ng mga napatay sa naturang bayan dahil sa paulit-ulit na pamamaril, ambush at bakbakan ng mga magkakalabang armadong grupo nitong Sabado.
Kinilala ang mga biktima na sina Montaser Talib at Ellah Pandapatan.
Sa ulat, patungo sa isang lugar sa Pikit nang tambangan at pagbabarilin ang mga biktima ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Nunguan sa naturang bayan, Sabado ng umaga
Ayon kay Colonel Harold Ramos, Cotabato Provincial Police Office director, inaalam pa ng mga imbestigador ng Pikit Municipal Police Station kung sino ang mga salarin at kung ano ang kanilang motibo sa pagpaslang kina Talib at Lumangka.
Matapos ang pananambang, mabilis na tumakas ang mga ‘di kilalang salarain.
Mula 2021, hindi bababa sa 50 katao na ang napatay sa mga serye ng pamamaril sa mga barangay ng Pikit. Karamihan dito ay unsolved cases.