Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu huli sa Laguna

0 13

Advertisers

NASAMSAM ang tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng iligal na droga sa isang high value individual (HVI) sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Laguna Police Provincial Office at ng San Pablo City Police Station nitong Biyernes, November 3, 2023, sa Barangay San Nicolas, San Pablo City, Laguna.



Kinilala ang nadakip na si alyas “Oneng”, 36 anyos, ng Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City, at nakalista bilang High Value Individual (HVI) sa Laguna.

Sa ulat ni Colonel Harrold P. Depositar, ang Provincial Director ng Laguna PNP; kay Calabarzon Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nabawi sa posisyon ng suspek ang 3 piraso ng self-sealing transparent plastic bags na may laman na 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million. (KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">