Advertisers

Advertisers

Bebot todas sa motorsiklo

0 18

Advertisers

Dead on arrival sa pagamutan ang isang babae nang mabangga ng motorsiklo habang naglalakad sa Navotas City, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ferleen Javier, 39 ng Blk 34-C Lot 16 Phase 2, Area 2, Brgy., NBBS Dagat-Dagatan.

Nakapiit ngayon habang nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homecide ang salarin na si Mark Biatingo, 25, vendor ng Blk. 26 Area 1, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.



Sa report kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, sinabi ni Police Investigator PSSg Antares San Antonio na 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng Frabelle Cold Storage, M. Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Sa pahayag ng saksing si Emely Jacobe, 34, street sweeper, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar patungong Agora Market nang aksidente mabundol ito ng motorsiklong minamaneho ni Biatingo.



Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Cente subali’t idineklarang dead on arrival habang naaresto naman ang salarin.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">