Advertisers

Advertisers

BJMP tumanggap ng isang unit na BTV sa PAGCOR

0 29

Advertisers

Nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation Corporate Social Responsibility Group ng isang unit na BTV para sa Malaybalay City District Jail Repormatory Center (Kanlungan sa Piitan) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Headquaters sa Quezon City nitong Nov. 7, 2023.

Pinangunahan ni Vice President Ramon Stephen Villaflor, at ng kanyang grupo na sina Maria Eliza Cruz, Jaime Tandayu, Mary Anne Vitug, Maria Laarni Orbeta, Kristel Calindas, at Ronaldo Gatpandan, ang pagta-turn over ng nasabing sasakyan.

Ang naturang donasyon ng PAGCOR na BJMP Transport Vehicle bilang bahagi ng Memorandum of Agreement ng ahensiya na nilagdaan noong November 15, 2022.

Nagpapasalamat si Director Ruel Rivera, Chief ng (BJMP) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, sa pagbibigay tulong sa mga persons deprived of liberty housed sa Malaybalay City District Jail – Kanlungan sa Piitan.

“Maka-aasa po kayong magagamit ang BTV na ito para sa mga pangangailangan ng mga PDL ng nasabing pasilidad,” wika ni Rivera.

“Sa amin pong pagnanais na mapaunlad ang estado ng pamumuhay ng mga PDL habang nasa kulungan, at matulungan silang magkaroon ng bagong buhay, ay binubuksan po namin ang aming mga pinto para sa mga ahensiyang nais makibahagi sa napakalaking responsibilidad na ito.”

“The BJMP cannot be an island when dealing with the well-being of the vulnerable. We are thus making our vision a shared mission among agencies and entities who have a stake in public safety, particularly in the welfare and development of persons deprived of liberty,” dagdag pa ni Director Rivera.

“I know this will be the start of many great undertakings with PAGCOR, and so, I look forward to further collaborations between our agencies, in pursuit of a quality life for PDL and all Filipinos. Again, thank you and good morning.” pagwawakas nito.(Ernie dela Cruz)